Horoscope | Hunyo 25, 2024 (Martes)
- BULGAR

- Jun 25, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 25, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 25, 2024 (Martes) - Gamitin mo ang iyong malikhaing kaisipan upang paunlarin ang iyong buhay, dahil ito mismo ang susi ng iyong tagumpay.
ARIES (March 21 - April 19) - Minsan mandaraya ang isip, kaya maaari kang madaya ng sarili mo, lalo na kapag hindi mo na balanse ang pag-ibig at pangkabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-23-34-40-41.
TAURUS (April 20 - May 20) - Hindi lahat aayon sa kagustuhan mo, normal lang naman ito sa buhay ng isang tao. Huwag mong intindihin ang mga taong kumokontra sa iyo, dahil sasakit lang ang ulo at damdamin mo sa kanila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-17-28-33-39-45.
GEMINI (May 21 - June 20) - Muli mapapatunayan sa iyo na rito sa mundo ay palakasan lang ng loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-22-35-37-40.
CANCER (June 21 - July 22) - Ituturo sa iyo ng kaibigan mo kung ano ang pinakamabuti sa iyo. Kailangan mong sumunod, dahil hindi dapat mangyari ang tulad sa guro na hindi iniintindi ng estudyante. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-16-20-25-29-34.
LEO (July 23 - August 22) - Walang laman ang magaganda at nakakaakit na bula. Hindi dapat mahulog ang loob mo sa nakakaakit magdamit at magsalita, dahil masasayang lang ang panahon mo sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-17-28-35-44.
VIRGO (August 23 - September 22) - Huwag mong pilitin ang hindi mo kaya. Kung saan ka madadalian, doon ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-23-34-40-45.
LIBRA (September 23 - October 22) - Piliin mo ang mga kaibigan na sasamahan mo. Hindi porke masaya ka, sasama ka na sa kanila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-7-20-30-37-42.
SCORPIO (October 23 - November 21) - Pagsasakripisyo ang papel mo sa mundo. Ang papel naman ng langit sa buhay mo ay ang bigyan ka ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-26-34-40-41.
SAGITTARIUS (November 22 - December 21) - Mag-ingat ka. Marami ang maghahangad sa puwesto mo. Pero, huwag kang mag-alala dahil hindi naman nila ito makukuha. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-19-26-30-44.
CAPRICORN (December 22 - January 19) - Muli, unahin mo ang sarili mong kapakanan. Oo, magandang magpasaya ng kapwa, pero ‘wag mo ring kakalimutan ang sarili mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-17-23-26-37-40.
AQUARIUS (January 20 - February 18) - Hayaan mo ang mga taong may ayaw sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-22-28-33-39.
PISCES (February 19 - March 20) - Manghiram ka ng ideya na puwede mong gamitin upang mas magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-27-38-41-44.



Comments