Horoscope | Hunyo 25, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 25, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 25, 2022 (Sabado): Kumuha ka ng lakas sa mga karanasang ikaw ay may natutunan. Ang bawat karanasan ay instrumento ng langit upang may matutunan ang bawat tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa araw na ito, hindi mo mamamalayan na mula sa malayo, ang mga suwerte ay nagmamadaling pumasok sa iyong buhay. Dala-dala ng mga ito ang katuparan ng iyong malalaking pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga araw na darating nang may postibong pananaw. Sa ganitong paraan, ang kapalaran mo ay magbabago at gaganda pa kaysa sa dati. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-14-18-24-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag kulang, dapat ay punan at ang sobra ay binabawasan. Kulang ka sa pagkilos, pero sobra ka sa salita. Dapat alam mo na ang kailangan mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-23-26-34-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo ang nasa iyong isip dahil ito ang makakabuti sa buhay mo. Huwag kang magbabago ng desisyon dahil ito ay hindi makakabuti sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-21-28-30-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi lahat ay aayon sa kagustuhan mo. Ngunit silang mga kumokontra sa iyo ay isa-isang mapapahamak, kaya sa huli, ang mga kagustuhan mo pa rin ang masusunod at matutupad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-16-24-28-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalabas ang iyong pagiging malikhain ngayon. Dahil dito, ikaw mismo ay hahanga sa iyong sarili, kaya mas magaganda pa ang iyong ikikilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-19-20-25-34-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang mga oportunidad na nasa iyong haparan. Marami sa mga ito ay hindi mo naman kailangan, kaya huwag mong panghinayangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-21-25-33-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nawawala ang Haring Araw kahit makapal ang mga ulap. Hindi rin mawawala ang iyong sigla kahit dumami ang mga suliranin mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-18-21-29-35-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang maingay dahil ang lalagyan na walang laman ay maingay. Gayundin, ang ilog na maingay ay mababaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-22-25-30-33-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suntok sa buwan ang pangarap na mahirap mabigyan ng katuparan, pero ang payo ay makipagsapalaran ka at lakasan mo ang iyong loob. Kahit suntok sa buwan ang inaabot mo, ito ay tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-14-25-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamasyal ka dahil ang pamamasyal ay isa sa lihim ng iyong kapalaran kung kailan sisigla ka at makakaya mong harapin maging ang mabibigat na problema. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-15-28-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang turo ng iyong mga magulang dahil ito ang iyong panlaban sa mga tukso at gustong magpahamak sa iyo. Suwerte ka rin kung larawan ng iyong mga magulang ang ilalagay mo sa iyong pitaka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-20-25-34-39.




Comments