top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Hunyo 24, 2024 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 24, 2024


Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 24, 2024 (Lunes): Kagandahan ang maghahari sa iyong kapalaran. Kung masingitan ka man ng mga hindi magagandang pangyayari, huwag kang mag-alala dahil kikilos ang kapalaran mo para pagandahin ito. 


ARIES (March 21 - April 19) - Muli kang mapapaligiran ng mga tukso. Kung hindi ka mag-iingat, masisira ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-26-30-33-36.


TAURUS (April 20 - May 20) - Ngayon ang araw mo! May kani-kanyang panahon para sa lahat ng tao rito sa mundo. Muli, ngayon ang araw mo! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-24-28-37-42.


GEMINI (May 21 - June 20) - Maging seryoso ka sa mga gusto mong gawin. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-19-25-39-45.


CANCER (June 21 - July 22) - Nasa mataas na antas ang pagmamahal. Sa biglang tingin, maganda ang ganitong kalagayan, ngunit ito rin ay babala ng pandaraya sa sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-20-29-31-36-42.


LEO (July 23 - August 22) - Nakasanayan mo na magbigay ng saya sa iba, pero kahit na ganu’n, puro kalungkutan pa rin ang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-27-34-38-41.


VIRGO (August 23 - September 22) - Hindi ka makikinig sa payo nila na pag-aralan munang mabuti ang papasukin mong negosyo, dahil aakalain mo na sapat na ang kakayahan mo at handa ka na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-17-24-28-33.


LIBRA (September 23 - October 22) - Nagbabalita ang araw na ito na kakaibang saya ang iyong madarama. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-21-23-32-37-42.


SCORPIO (October 23 - November 21) - Inihahanda na ng langit ang malaki mong suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-22-27-30-35.


SAGITTARIUS (November 22 - December 21) - Araw mo ngayon. Ibig sabihin anuman ang hilingin at naisin mo, tiyak na matutupad at magkakatotoo. Kaya ano pang hinihintay mo? Hiling na! Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-18-24-29-37-41.


CAPRICORN (December 22 - January 19) - Natulog kang malungkot, ngunit gigising kang masaya. Kung noon parang natutulog ang iyong kapalaran, ‘wag kang mag-alala dahil sisigla na ngayon ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-27-34-38-40.


AQUARIUS (January 20 - February 18) - Malilibang ka sa mga masasayang pangyayari. Dapat mong maunawaan na ang mga taong nalilibang ay nakakalimot maghanda para sa kanilang kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-25-28-39-41.


PISCES (February 19 - March 20) - Magpapatuloy ang suwerte mo. Ibig sabihin, mahaharap ka sa hindi inaasahang pangyayari na bigla kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-22-26-31-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page