Horoscope | Hunyo 24, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 24, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 24, 2022 (Biyernes): Kung ano ang maganda, ‘yun ang ibibigay sa iyo ng kapalaran. Pero may pagkakataon na akala mo ay pangit, kaya parang ayaw mong tanggapin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipaubaya mo sa langit ang mga pangyayari at makakaasa ka na papabor sa mga kagustuhan mo ang ikot ng mundo. Tiwala lang ang iyong kailangan. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-22-29-30-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyong-iyo ang araw na ito. Tatabi ang lahat ng kontrabida sa buhay mo. Ang sinumang magtangka na bigyan ka ng lungkot, siya ang tiyak na malulungkot. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-14-20-26-34-36-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang nanghihingi sa iyo ng paliwanag. Kumilos ka ayon sa iyong paniniwala at sa huli, nauunawaan ng lahat na ikaw ang tama at sila ay mali. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-25-26-34-37.
CANCER (June 21-July 22) - Nag-aabang sa iyo ang pagbabago dahil ang lahat ay magbabago. Parang panahon kung saan ang tag-araw ay susundan ng tag-ulan. At sa ganitong pabago-bagong panahon, tutubo ang mga bagong halaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-9-12-23-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gaganda pa ang kapalaran mo ngayon kapag ang pinili mo ay ang mapagkukunan ng inspirasyon kahit may posibilidad na mabawasan nang malaki ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-25-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagsak ang kumpiyansa mo sa iyong sarili, pero may biglang darating sa buhay mo na magbabalik ng tiwala sa iyong kakayahan. Siya ay tiyak na magtatagal sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-24-31-32-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakasingit ang ulan kahit tag-araw. Makakasingit ka kahit anong higpit ng pagtanggi sa mga gusto mo. Wala siyang magagawa kundi ikaw ay pagbigyan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-14-27-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi lahat ay nakukuha sa biglaan. Tulad ngayon, ang pagganda ng kapalaran ay dahan-dahan at hindi namamalayan ng mga taong kontrabida sa buhay mo na umaangat ka at paangat ka nang paangat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-22-25-30-35-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalik ang dating ganda ng isang lugar ‘pag pinagsikapang alisin ang dahilan ng pagpangit nito. Babalik ang dating galing at husay mo. Ang dapat mong gawin ngayon ay alisin ang mga pangit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-21-26-27-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malakas ang hatak sa iyo ng hangarin mong mangibang-bansa. Bagama’t nag-aalala ka, wala ka ring magagawa dahil ikaw ay makakapag-abroad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-24-31-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang masayang hangin sa maalinsangan na panahon. Marami ang gustong dumikit sa iyo, mag-ingat ka dahil marami sa kanila ang may balak na gamitin ka. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-15-23-25-31-32-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating ay ganundin. Ang payo ng iyong kapalaran ay huwag mong kalimutan na patatagin nang patatagin ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-18-29-38-41.




Comments