Horoscope | Hunyo 23, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 23, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 23, 2022 (Huwebes): Biniyayaan ka ng katangian na magparami, kaya ang lahat ng nasa iyo ay marami. Mas magandang sa negosyo mo gamitin ang pormula ng pagpaparami.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka nang masaya kahit malungkot ka. Dahil sa araw na ito, ang mga kilos mong masasaya ay magsisilbing pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-23-28-31-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha lamang ng malakas na buwelo ang kapalaran mo nang sa gayun ay mamangha ang mga taong walang hinangad kundi ikaw ay bumagsak at mabigo. Sa huli, sila ang babagsak at ang huling halakhak ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-27-29-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maniniwala na kapag mabilis kang magpasya ay magkakamali ka. Ang ganu’ng payo ay para sa iba, pero hindi para sa iyo. Bagkus, bilis ang magbibigay ng mga suwerte at magagandang kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-24-25-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Mapapansin mo na parang kakaiba ang sigla mo ngayon. Ito ang senyales na humiling ka sa langit noon, pero ngayon ito ipagkakaloob sa iyo. Gawin mo ang matagal mo nang mga plano. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-26-33-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawanin mo ang iyong isip dahil sa dami ng laman nito, hindi mo malaman kung ano ang uunahin. Itira mo lang ang mga bagay na madadalian ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-12-26-29-30-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang wala. Ang hanapin mo ay ang landas kung saan gagana ang iyong kinabukasan at du’n ka maglakad. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-18-20-23-24-27-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang kumilos nang hindi sumasangguni sa mga may alam. Ang tamang pagnenegosyo ay hindi lamang palakasan ng loob. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-22-29-30-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang mayroon ka, ‘yun muna ang ibigay mo. Huwag mo nang ulitin ang nangyari noon na gumawa ka ng paraan para tulungan ang lumapit sa iyo, pero sa huli, mag-isa kang nahirapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-13-22-26-32-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensya. Huwag kang mag-alinlangan dahil ito ay nagpapabagal sa kilos ng tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-9-16-17-25-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maniwala ka sa iyong sarili at hindi sa ibang tao. Hindi ka ipinanganak na parang dahon upang tangayin lamang ng hangin. Ang payo sa iyo ay magdesisyon ka at magtiwala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-29-31-32-27.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil hindi na pahahalagahan ng langit kung mabuti ka o hindi. Para sa langit, ito ay balewala. Noon pa man ay itinakda na sa araw na ito ay susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-16-25-34-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabilis kang aabante kung hindi ka magpapatali sa iyong nakaraan. Ito ang susi para magkaroon ng tunay na kaligayahan ang bawat tao. Gawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-25-28-39-40.




Comments