Horoscope | Hunyo 22, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 22, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 22, 2022 (Miyerkules): Marami ang gagamit sa iyo para sila ay magpayaman. Puwede ka ring yumaman kapag nagsarili ka at hindi na nagpagamit pa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa tapang at lakas ng loob ang mga suwerte mo. Huwag kang aatras. Sumugod ka lang nang sumugod dahil kahit ano ang iyong maranasan, makikita mo na sa huli, ang yaman mo ay hindi na masusukat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-14-20-24-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simple lang ang pampasuwerte mo. Diligan mo ang iyong mga halaman kahit ang mga ito ay basa pa sa ulan. Puwede ka ring bumili ng bagong halaman. Linisan mo ang mga tuyong dahon at handugan mo ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-16-29-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Umawit ka kapag ikaw ay nag-iisa. Bakit mo ito kailangang gawin? Ito ang susi na laan sa iyo para mabuksan mo ang maraming oportunidad na lalo pang magpapaganda ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-21-28-29.
CANCER (June 21-July 22) - Gumawa ka ng kabaitan sa kahit kanino. Ito mismo ang paraan para magbalikan ang mga suwerte mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-27-30-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang maghiganti sa gumawa sa iyo ng pagkakamali. Pigilan mo ang iyong sarili dahil ang susi para magpasukan sa buhay mo ang mga suwete at magagandang kapalaran ay huwag kang maghiganti. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-9-18-21-33-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng aral sa buhay mula sa karanasan ng iba. Isabuhay mo at magugulat ka dahil ang mga suwerte ay mag-uunahan na dumapo sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-13-14-19-22-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang lumang gamit na buo pa. Ito ang magsisilbing susi ng iyong magagandang kapalaran. Ito rin ang panlaban mo sa masasamang puwersa sa paligid. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-25-31-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating na ang takdang panahon para sa pakikipagkaibigan sa mga bagong kakilala. Kapag dumating ang panahon, siya ay labis na susuwertehin. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-10-26-39-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tapos na ang iyong lungkot dahil sa darating na mga araw, pawang kaligayahan ang magbubukas sa iyo sa bagong mundo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-17-20-24-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli mong isuot ang nagamit mo nang kasuotan. Magugulat ka dahil ang magagandang kapalaran na iyong inaasam-asam ay mapasasaiyong kamay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-18-20-28-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag malaya ka, susuwertehin ka. Ito ang buhay at kapalaran mo. Sa kabaligtaran, kapag hindi ka malaya, ang buhay mo ay walang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-22-25-38-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magalit at mainis. Habaan mo ang iyong pang-unawa at pagpapasensya. Mahirap mang gawin para sa iyo, ito na mismo ang magsisilbing pampasuwerte ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-17-20-24-26-35-38.




Comments