Horoscope | Hunyo 21, 2024 (Biyernes)
- BULGAR

- Jun 21, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 21, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 21, 2024 (Biyernes): Napakataas ng maaabot mo sa buhay. Huwag mong kalimutan na dapat nakasayad ang paa mo sa lupa para umasenso ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat makuntento sa kasalukuyan mong kalagayan. Ipinaalala sa iyo ng iyong kapalaran na hindi para sa iyo ang sinasabing matutong makuntento sa kung ano’ng mayroon ang isang tao. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-20-23-28-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumilikha ang langit ng bagong landas ng buhay, na kung saan madaming oportunidad ang sasalubong sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto–19-21-24-29-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Bawat galaw mo sa mga araw na ito ay aangat ang iyong buhay. Kahit ang galaw mo na parang mali at wala sa ayos ay magreresulta pa rin ng maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-22-24-36.
CANCER (June 21-July 22) - Ihanda mo ang sarili mo sa darating na okasyon sa buhay mo. Magsaya ka dahil ang mga suwerte ay mapapasakamay mo na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-28-30-31-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong maging mapagmalaki. Oo may maipagmamalaki ka, pero sarilihin mo na lang muna. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-21-25-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Halukayin mo ang naggagandahang ideya na matagal nang nasa isipan mo. Ngayon mo ito kailangan gamitin nang sa gayun ay gumanda pa ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-26-34-36-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababawasan ang ganda mo ‘pag tinalo ka ng galit. Kapag pag-ibig naman ang naghari sa iyo, mas gaganda ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-8-25-28-30-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakagulat ka dahil makikitang mas madami kang oras na nakukunsumo sa pagkausap sa sarili mo. Hindi naman masama ito, dahil ito ang mas nakakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-20-25-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo na ngayon. Nakahanda ang langit na bigyang katuparan ito kahit may pagka-imposible o mahirap na mangyari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-24-29-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka sa pagsasalita, dahil sobrang lakas ngayon ng iyong kapangyarihan at maaari itong magkatotoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-27-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumalakad ang kalabasa, naiiwan ang bunga. Ang kahulugan nito ay kung saan-saan ka makakarating, at kung anu-ano ang iyong gagawin na mababalewala mo na ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-5-16-27-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka, dahil ang panalo ay mapapasaiyo. Kung hindi ka makikipagsapalaran, walang magandang mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-27-31-37-43.



Comments