Horoscope | Hunyo 21, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 21, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 21, 2022 (Martes): Huwag mong kalilimutan ang mga nakatulong sa iyo kaya umangat nang todo ang buhay mo. Natutuwa ang langit sa marunong tumanaw ng utang na loob.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakaalalay sa iyo ang kaibigan mo at ilang malalapit sa iyo. Huwag kang aatras sa laban ng iyong kapalaran ngayon dahil ang panalo ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-20-21-24-26-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ang tutulong para matupad ang iyong pangarap. Gayunman, huwag mong tanggihan ang nag-aalok ng suporta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-25-26-28-39-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Nadadapa ang nagmamadali. Hindi ka dapat matulad sa mga nasaktan dahil hindi mo na pinag-isipan ang pagpasok sa isang maselang sitwasyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-23-31-32-36.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag makapal ang ulap, may posibilidad na bumuhos ang ulan. Huwag mong ipunin ang mga hinanakit mo, kailangang maihayag mo ito. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-9-17-24-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagpapalitan ang pedal ng bisekleta sa ibaba at itaas, kaya malayo ang nararating. Huwag mong sarilihin ang pagpapasya. Sundin mo ang payo ng mahal mo sa buhay, magpalitan din kayo ng magaganda at positibong ideya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-23-27-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit gaano kaganda ang bulaklak, ito ay kumukupas din. Samantalahin mo ang magandang takbo ng mga pangyayari sa iyong buhay. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-22-23-26-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakasugat ang malakas na agos kapag sinasalungat. Bakit mo ipipilit ang gusto mo? Huwag mong kontrahin ang higit na nakakarami. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-18-28-31-37-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi puwede na wala kang kibo at nananahimik lang. Makibahagi ka sa pagsasaya ng mga kaibigan. Ang nag-iisang bulaklak sa hardin ay nabubuhay sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-15-19-23-29-31-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong buhatin ang sobrang mabigat. Hindi masama ang tumulong, pero dapat ay tutulong ka lamang sa abot ng iyong makakaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-27-28-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magtanong ka sa mas nakakaalam. Huwag mong ipangahas na may sapat kang kakayahan. Ang nauna sa iyo ay may sapat nang kaalaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-12-29-37-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isip ang iyong paganahin. Sa ganitong paraan, makikinabang ka nang malaki at ‘di na mauulit ang nagsisi ka dahil walang magandang nangyari sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-15-26-25-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magulat sa mga pangyayari na madadama mong abot mo na ang iyong mga pangarap. Simula pa lamang ito ng mas marami pang suwerte na tuloy-tuloy nang paparating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-15-22-23-35.




Comments