Horoscope | Hunyo 20, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 20, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 20, 2024 (Huwebes): Kakaiba at nakakahanga ang kabutihang loob mo. Ito ang mga biyaya at pagpapala na palaging nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ka ngayon, tatalunin ka ng iyong damdamin at malaki ang posibilidad na ang iyong kaarawaan ay iyong mamahalin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-23-30-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magmadali. Umasa ka na ang mismong kapalaran mo ang mag-aayos ng iyong buhay. Kapag kapalaran ng tao ang nasunod, ang kaligayahan ay tiyak na mapasasakanya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-17-21-25-38-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking suwerte ang dumadapo sa mga nagbibigay sa kapwa nang maluwag sa kanyang loob. Magbigay ka nang may masayang puso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-14-20-34-42.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hilingin mo na sa langit kung ano ang pinakagusto mo sa iyong buhay. Kahit may pagkaimposible o mahirap mangyari, ito ay ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-21-25-32-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo ang iyong sarili. Hawakan mo nang mahigpit dahil ang mga tukso, sa maniwala ka o hindi ay mas malakas kaysa sa iyo. Hindi ito gabay, ito ay isang katotohanan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-27-35-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Hindi na puwede ang madalas na nangyayari sa iyo na ang gusto mong gawin ay hindi mo nasisimulan man lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-16-22-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nabubuhay ka dahil sa pag-ibig. Ang kahulugan nito sa buhay mo ay hindi puwede na wala kang minamahal. Huwag mong isara ang pintuan ng iyong puso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-27-30-37-42-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Minamaliit mo ang iyong sarili. Hindi mo ba alam na mas malakas ka kaysa sa nagkukunwaring sila ay malakas? Mas masuwerte ka sa kanila na nag-akalang sila ay mga binuwenas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-24-37-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madali kang mairita ngayon at aayaw ka sa sobrang malambing at dikit nang dikit. Ito ay sa dahilan na mas uunahin mo ang pangkabuhayan kaysa sa iba pang bagay sa mundo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-15-18-21-23-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang pagkakaunawaan. Hindi dahil sa talo o mahina ka kundi dahil hindi puwedeng labis na sumama ang loob mo dahil sa totoo lang, mahirap kang maging kaaway. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-26-30-36-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansamantala lang ang lungkot dahil ikaw ang taong mabilis makahanap ng saya at ligaya. Ang mga kabiguan ay parang hangin lang naman na nagdaraan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-19-28-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Patuloy kang susundan ng mga suwerte na kapag nakitang panatag na ang iyong kalooban, magsisidapo ang mga ito sa iyo at biglang gaganda ang iyong mundo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-20-24-31-37.



EPTU Machine ETPU Moulding…
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPS Machine EPS Block…
EPS Machine EPS Block…
EPS Machine EPS Block…
AEON MINING AEON MINING
AEON MINING AEON MINING
KSD Miner KSD Miner
KSD Miner KSD Miner
BCH Miner BCH Miner
BCH Miner BCH Miner