Horoscope | Hunyo 20, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 20, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 20, 2022 (Lunes): Dahil likas ang kabutihang loob mo, ang langit din ay magiging mabait sa iyo, kaya patuloy kang pagpapalain at pagkakalooban ng mas marami pang mga biyaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahalaga para sa iyo ang tumulong ngayon sa mga nangangailangan dahil sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang nasa itaas. Gayundin, ang iyong malalaking kahilingan ay agad na aaprubahan ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-19-20-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Minamahal ng langit ang mapagmahal sa kapwa dahil ang banal na utos ay nagsasabing, mahalin mo ang iyong kapwa. Isabuhay mo ang mga suwerteng mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-17-21-26-34- 35.
GEMINI (May 21-June 20) - Muli, makakaganda sa iyo ang pamamahinga. Puwede rin namang makapagpahinga kahit may ginagawa dahil ang pamamahinga na bagay sa iyo ay ang pahinga sa kaiisip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-26-29-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Mananalo ka, pero kailangang makipagsapalaran ka. Kahit masuwerte ang tao, maaaring hindi niya makuha ang suwerte niya kung siya ay hindi kikilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-18-23-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sundan mo ang iyong pangarap dahil ang may pangarap ay higit na maganda kaysa wala. Ang pangarap ay pakpak na maghahatid sa tao sa masagana at matagumpay na buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-29-38-40-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Sa ngayon, ibinabalita ng iyong kapalaran na ang kawalan ng gana na itodo ang pagsisikap ay kukupas. Ikaw ay sasaya at sisigla na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-22-25-34-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababa ang mga luha mo ngayon. Pero makakaganda ito sa iyo dahil mas mapapalapit ka sa langit at hahangaan ka sa kababaang loob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-8-19-27-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung nasaan ang saya, ru’n ka. Hindi pwede na masingitan ka ng lungkot. Ang taong masaya ay susuwertehin dahil ang mga suwerte ay dumadapo sa mga taong masaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-24-33-38-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahigpit na ipinapayo na igalaw mo ang iyong mga kamay kahit wala kang ginagawa. Ito ang sikreto para magsilapit sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-14-16-32-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ihanda mo ang iyong sarili dahil nagbabalita ang iyong kapalaran na ang malaking suwerte ay darating na sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-25-30-31-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itago mo ang lihim na iyong madidiskubre. Hindi porke totoo ay ibibisto mo na. Muli, itago mo ang lihim na iyong matutuklasan. Ito ang makabubuti para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips lotto-18-19-21-32-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagmamadaling dumating sa buhay mo ang ilang magagandang kapalaran na sapat para madama at masabi mong hindi ka nakakalimutan ng nasa itaas. Kasabay ng pagpatak ng ulan, sunod-sunod na suwerte ang ibubuhos sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-15-19-20-25-33.




Comments