top of page

Horoscope | Hunyo 2, 2025 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 2, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 2, 2025 (Lunes): Malabo mong mapigilan ang iyong sarili na tulungan ang iyong kapwa kahit pa marami sa kanila ay dinadaya ka lang. Dito ka masaya, kaya ituloy mo lang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit hindi mo na tutukan ang pagpapayaman, yayaman ka pa rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-22-30-35-36.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mga taong masayahin upang suwertehin ka. Dumikit ka sa may kaya para gumanda ang buhay mo. Kung ano at sino ang dinidikitan mo ay magiging ganu’n ka rin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-20-24-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Luwagan mo ang iyong buhay. Ibig sabihin, magbawas ka ng tinututukang gawain. Ang hindi pagsunod sa nasabing payo ay maaaring magresulta sa kawalan ng pag-usad ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-15-21-27-31-45.


CANCER (June 21-July 22) - Kaya ka nagiging sunud-sunuran ay dahil nagpapaalipin ka. Kapag nagdesisyon ka na ikaw ang masusunod, puwedeng-puwede at ito talaga ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-27-35-37-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Buwenas ka ngayon. Kahit hindi ka magpursigi, ang magandang kapalaran ay dadapo pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-22-34-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Piliin mo kung ano ang mabuti at pumanig ka sa tama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-24-27-35-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tama ka, bakit mo pahihirapan ang iyong sarili? Pero kahit pa piliin mong mahirapan, aalisin ka rin ng iyong kapalaran sa mahirap na sitwasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-18-20-21-23.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Hindi maganda sa isang tao na siya mismo ang nagpapahirap sa kanyang sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-15-25-39-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bibigyan ka ngayon ng pagkakataong iangat ang iyong buhay, kaya huwag mo itong sayangin. Ngayon mo na isagawa ang matagal mo nang balak na magnegosyo dahil tiyak na aasenso ka. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-23-28-30-35-36. 


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Habang ang iba ay kung saan-saan nakakarating para lang hanapin ang kanilang suwerte, ikaw ay makikitang kusang nilalapitan ng mga ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-24-28-33-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ito gabay ng kapalaran dahil ito mismo ang iyong mararanasan, kung saan ang inaakala mong hindi para sa iyo ay mahimalang yakap-yakap mo na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-27-30-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahina ka kahit hindi mo aminin. Pero dahil mahal ka ng langit, bibigyan ka Niya ng makakaagapay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-27-31-33-38.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page