Horoscope | Hunyo 2, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 2, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 2, 2022 (Huwebes): Hindi ka pababayaan ng langit dahil sa malinis at dalisay mong kalooban. Pagpapalain ka nang higit sa mga mapaghangad. Ang mga pagpapalang ito ay mababakas sa patuloy na paglago ng iyong kabuhayan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kalawang ang sumisira sa bakal, kaya mag-ingat ka sa isang matagal nang nakadikit sa iyo. Kung pag-aaralan mo ang pagsasama n’yo, siya ay pabigat lamang sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-23-26-30-37-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bihirang dumating ang magandang oporrtunidad, pero espesyal ka ngayon sa langit. Ang mga oportunidad na mag-aangat sa buhay mo ay walang tigil sa pagdating. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-12-23-33-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Walang anumang lumot ang batong gulong nang gulong. Huwag kang pabago-bago ng trabaho dahil hindi ka makakaipon kahit singko. Ito ang payo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-18-20-22-27-38.
CANCER (June 21-July 22) - Bakit mo aangkinin ang ‘di mo pa hawak? Masasabi lamang na sa iyo na, kapag sa iyo talaga napunta. Wala pang katiyakan, lalo na kung may nagkakainteres din sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-20-35-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Madaling makalimutan ang hindi nakikita. Ito ang lihim na dahilan kaya mapapalayo ka sa isang hindi naman para sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-22-33-37-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit basa ng kahoy, ito ay mag-iinit kapag nadikit sa apoy. Pilitin mong panghawakan ang pangako mo sa iyong sarili dahil ang tukso sa harap mo ay mas malakas kaysa sa dati. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-15-25-34-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit huli na pero mas maganda at magaling, nakakahabol pa rin. Sino siya? Sino pa nga ba, walang iba kundi ikaw. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang obligasyon mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-20-23-26-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag napaso ang dila, ang nakasubo ay iniluluwa. Bago mo kunin ang isang bagay, alamin mo muna ang kanyang nakaraan. Ito ang susi ng maligaya at matagalang pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-28-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang silbi ang kanin kung wala namang ulam sa pinggan. Aanhin mo ang alok na pakikipagrelasyon kung wala namang pagmamahal sa puso mo? Mag-isip ka muna nang mabuti. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-28-30-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong kalilimutan na kahit sa siyudad ay may ahas. Huwag ka magtiwala agad sa mga nakakasama mo. Ito ang babala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-19-21-25-27-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tinatalo ng mapamaraan ang malakas. Magplano ka at saka ka lumantad. Hindi ka mabibigo, sa halip ay mapasasaiyo ang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-16-26-27-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang pula ay pula kapag hindi ka binobola. Pero ang pula ay nagiging puti kapag ikaw ay inaayunan sa mga gusto mong sa totoo lang ay maling-mali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-20-22-25-27-33.




Comments