Horoscope | Hunyo 19, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 19, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 19, 2022 (Linggo): Kusang dumarating sa iyo ang mga suwerte at may mga suwerte ka rin mula sa iyong pagsisikap. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakakapagod ang araw-araw na buhay, pero ngayon kikilos ang langit at bibigyan ka ng kasiyahan. Ibahagi mo sa malalapit sa iyo ang ilang mga suwerteng darating. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Darami ang mga kaibigan mo dahil kahit ang ayaw sa iyo ay mahimalang gugustuhin ka na maging bahagi ng kanilang masayang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-15-21-24-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag na biyaya ang nakalaan sa iyo. Huwag mong sayangin, sa halip, idagdag mo ito sa pinagkakaabalahan mong pagpapalago ng kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-19-28-29-31.
CANCER (June 21-July 22) - Kikilos ang langit para labanan ang mga may lihim na plano na sirain ka sa mga mata ng iba. Ngunit ang kamay ng langit ay kikilos, kaya sila ang masisira at hindi ikaw. Ito ang pasya ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-26-33-35-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyong-iyo ang araw na ito, pero huwag mong gamitin sa mga kinaiinisan mo. Mas magandang palaguin mo pa nang palaguin ang iyong negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-23-27-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong. Ito ang isabuhay mo nang sa gayun ay malito at masira ang diskarte ng mga kakumpitensiya mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-19-28-40-42-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tularan mo ang agila na kapag masama ang panahon ay lumilipad sa ibabaw ng unos. Huwag mo munang harapin ang mga hindi mo kaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-24-33-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahuhulog mula sa itaas ang mga mayabang na walang magawa kundi ikaw ay maliitin. Ito ang gagawin sa kanila ng makapangyarihang langit. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-20-28-31-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli mong pagbigyan ang nagkakamali. Ikaw din naman ay madalas na naging ganu’n nang hindi mo pa gaanong alam ang iyong mga tungkulin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-27-39-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na parang wala kang pinagdadaanan. Ito ang sikreto para mabilis na gumuhit sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe ng kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-20-21-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang mga walang magawa kundi pintasan ka. Ang totoo, sila ay hindi masaya sa kanilang buhay. Mas maganda na kaawaaan mo ang mga taong ito. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-9-11-17-25-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa mga kaibigan mo ang iyong suwerte. Sila ang magpapaganda ng buhay mo at gagawa ng paraan para mapalapit ka sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-28-30-36-42.




Comments