top of page
Search

Horoscope | Hunyo 18, 2024 (Martes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 18, 2024


Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 18, 2024 (Martes): Tiyak ang pagyaman mo. Isabuhay mo ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo nang sa gayun ay gumanda pa ang buhay mo.


ARIES - Iyo ang araw na ito, ngayon ang pinakamagandang araw upang asikasuhin ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-21-27-33-40.


TAURUS - Limitahan mo ang pag-iisip kung paano mas gaganda ang takbo ng iyong buhay. Ang ibang bagay na gusto mong pagkaabalahan ay huwag mong bigyan ng pansin. Ito mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-24-29-42-44.


GEMINI - Simulan mo na ngayon ang pagiging seryoso sa buhay upang makita mong lumago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-19-23-28-33. 


CANCER - Huwag kang mainis kapag ang mga kaganapan ay kabaligtaran sa mga gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-16-19-25-35.


LEO - Humahabol ang ilang mga suwerte sa iyong buhay. Naaantala sila dahil may gustong umagaw nito. Huwag mong kalimutan ang isang bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-28-34-43.


VIRGO - Muli, lakas ng loob ang kailangan mo para magsimula. Lakasan mo ang loob mo para maisakatuparan mo na rin ang mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-18-27-29-37.


LIBRA - Tutukan mo ang pagkakakitaan mo. Hindi ka dapat masingitan ng mga taong walang alam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-15-18-24-36.


SCORPIO - Lahat ay may katapusan. Ang mga suliranin ay natatapos din. Ang mahalaga ay ang nanatili kang positibo sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-20-22-38-42.


SAGITTARIUS - Papataas ang takbo ng iyong kapalaran. ‘Wag mong kalimutan na dapat nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Huwag mo ring kaligtaan magpasalamat sa Diyos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-24-33-39-45. 


CAPRICORN - Ngayon ang araw mo, subukan mong humiling at tiyak na ipagkakaloob ng langit ang mga ninanais mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-8-17-25-28-35.


AQUARIUS - Magparaya ka kahit na nasasaktan ka. Nakamasid sa iyo ang  langit, ang bawat luhang nalalaglag sa mga mata mo ay tutumbasan ng Diyos ng suwerte at labis na kaligayahan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-16-19-22-35-40. 


PISCES - Nasa harap mo na ang mga suwerte. Ang susi ay humakbang ka papasulong. Hindi ka puwedeng mag-alinlangan ngayon. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-17-28-34-44.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page