top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hunyo 18, 2022 (Sabado)

BULGAR
Jun 18, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 18, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 18, 2022 (Sabado): Hawak mo ang iyong kapalaran, kaya kung gugustuhin mong yumaman, yayaman ka. Magpasalamat ka sa langit sa espesyal na kakayahang ito at bilang ganti, tumulong ka sa mga kapus-palad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbago ang takbo ng iyong kapalaran. Mas lumaki ang pagkakataon mo na bumilis ang pagpapayaman. Huwag mo nang asikasuhin ang mga bagay na walang kaugnayan sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-23-29-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanda ka sa masasayang kaganapan na inilaan sa iyo ng langit. Para malubos ang iyong kasiyahan, ngayon pa lang ay dapat mo nang alisin ang iyong pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-20-25-28-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sayangin ang lakas ng iyong karisma ngayon. Gamitin mo ito sa paraang mas darami ang kinikita mo. Ang karisma ay hindi lamang ginagamit sa pagkakaroon ng karelasyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-15-21-26-39.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang mga nasa tabi mo na hindi naniniwala sa iyo. Hayaan mo lang sila at sa huli ay makikita ng kanilang mga mata na maunlad na ang buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-25-28-33-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makakaporma ang mga karibal kapag lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Pero kung mananatiling buhay ang ningas ng iyong sigla at sigasig, sila ay sama-samang mapapahiya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-21-23-32-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ganito ang sabi, kapag kumilos na nakatodo ang galing at husay, magtatagumpay ka. Pero sa iyo, kahit hindi sagad ang galing at husay, makukuha mo ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-25-27-36-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumaban ka! Labanan mo ang hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Ang panalo ay para sa nakikipaglaban at hindi para sa mga naduduwag at mahina ang kalooban. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-22-29-30-31-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang katapusan ang pagpapalit ng araw at gabi. Kaya sa dilim ng buhay, isinisilang ang liwanag. Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil sa araw na ito, magliliwanag na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-18-26-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - ‘Ika nga, kung sino ang kasama mo, ikaw ay ganundin. Kaya ang payo ay dumikit ka sa mga umaangat ang buhay at makakaasa ka na aangat ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-25-30-35-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Talo mo ang babangga sa iyo. Pero mag-ingat ka at huwag mong patulan ang mahal mo na maaaring sumalungat sa iyong kagustuhan. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-17-21-27-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakasawa ang lahat ng bagay sa mundo. Ito ang tagong dahilan kaya parang ayaw mo na sa sarap ng buhay at naghahanap ka ng mga bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-19-20-27-41-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Hayaan mo lang ang mga gigil na gigil yumaman. Makikita mo na sila ang unang magsisibagsak at saka mo samantalahin ang pagkakataon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-32-36-40-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page