Horoscope | Hunyo 17, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- Jun 17
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 17, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 17, 2026 (Miyerkules): Kahit gaano pa kalaki ang mga pagsubok, mapagtatagumpay mo pa rin ito. Sa katunayan, maraming tao ang gagawin kang huwaran dahil sa tatag at tibay ng iyong kalooban.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Alalahanin mo, bingi ang mga nasa katungkulan dahil ang inaasikaso nila ay ang sarili nila. At kahit mali sila, maganda pa rin na manahimik ka na lang muna. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit nagkakaedad ka na, ituloy mo pa rin ang laban. Ang mahalaga, gawin mo ang mga bagay na may kaugnayan sa pagpapayaman. At pagkatapos, mas maganda pa rin na makasanayan mong palakasin ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-24-30-37-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagkakasakit ang tao dahil humihina ang kanyang katawan, pero ang nakakagulat, siya rin naman ay kusang lumalakas. Ang katotohanang ito ang sandalan mo upang patuloy kang sumigla at bumangon sa bawat araw. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-17-22-28-36-43.
CANCER (June 21-July 22) - Damdamin ang dapat pairalin ngayon. Kapag damdamin, emosyon at simpatiya ang pinairal mo, tuluy-tuloy kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-15-26-34-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag malakas ang kalaban, dapat lang na magpalakas ka rin. Kumain ka ng masusustansyang pagkain. At huwag mong kainin ang mga pagkaing nakakasira sa katawan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-25-31-40-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humingi ka ng payo sa mga taong madaming alam, dahil maging ang mga eksperto ay humihingi rin ng payo upang madagdagan ang kanilang kaalaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-16-23-29-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ipahalata na takot ka, dahil kapag nakita ng mga mahal mo sa buhay na naduduwag ka, panghihinaan sila ng loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-6-19-29-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kilala kang matapang at buo ang loob. Panatilihin mo ito kahit nahaharap ka sa matinding banta ng mga pagsubok. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-21-28-33-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Humihina ang malalakas at ang mga mahihina ay lumalakas. Kapag humina ka, muli kang magpalakas. Ganu'n lang ang dapat mong gawin upang mapanatag ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-18-22-27-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap alamin ang laman ng iyong kalooban. Pero kung sasabihin mo ito sa mga malalapit sa iyo, mas titibay ang inyong pagmamahalan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-14-20-29-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumilipad ang diwa at isip mo. Kaya tiyak na yayaman ka! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-24-35-31-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka natatakot sa iyong sarili? Hindi mo kailangang gawing kalaban ang iyong sarili! Kaya mula ngayon, patayin mo ang takot at magsimula ka nang sumugod. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-23-25-37-40.



Comments