Horoscope | Hunyo 17, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 17, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 17, 2022 (Biyernes): Positibong pananaw ang isa sa sikreto ng iyong kapalaran. Sa pamamagitan nito, ang mga suwerteng darating sa buhay mo ay matutulad sa punong matatamis ang bunga.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumapit ka sa mga nauna mong plano at makakaasa ka na ang kaunlaran ay makakamit mo. Pero sa pagbabago ng pasya, ang mga nasa iyo na ay mawawala pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-21-29-30-34-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinahon ang dapat iharap sa mga nagagalit, ngunit mali naman ang katwiran. Sa huli, kusa niyang matatanggap na wala siya sa lugar. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-23-31-32-38-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking pagsubok ang iyong kinakaharap. Gayunman, magpakita ka na buo ang iyong loob at ang mga ito ay isa-isang maglalaho. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-19-26-34-35.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi pa kumukupas ang mga suwerte mo. Ang totoo, lalo itong tumitingkad, ibig sabihin, may malalaking buwenas pang darating sa mga kamay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-27-35-39-40-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tumulong ka sa nangangailangan dahil ito ang utos sa iyo ng langit. Ang kapalit ng pagsunod sa nasa itaas ay ipagkakaloob ang malalaking kahilingan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-17-19-20-25.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutukan mo ang mga aktibidad kung saan puwede kang kumita ng malaki. Samantalahin mo ang magandang pagkakataong ito na ipinagkaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-13-18-22-26-33-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa gusto mo. Huwag kang magkunwari, ilantad mo ang iyong baraha at makakaasa ka na ang malalaking panalo ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-24-29-33-38-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagdaratingan na ang magagandang kapalaran para sa iyo. Ang mga ito ay ikagugulat ng mga hindi naniniwala sa iyo. Gayunman, palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-22-31-32-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matukso sa mabilisang pagpapayaman. Kadalasan, ang nagmamadali ay nadadapa at nasusugatan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-8-17-21-28-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumarami ang pagkakataong mas umangat pa ang buhay mo. Huwag kang mag-alala kung may makalagpas sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-29-32-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bumibilis ka nang bumibilis, kaya tila nakakalagpas sa iyo ang magagandang kapalaran. Mas mabuting bagalan mo ang iyong mga kilos nang sa gayun ay masapo mo ang dapat gawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-23-25-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aanhin mo ang saya kung panandalian lamang? Piliin mo ang landas ng buhay na ikaw ay magsisikap at ang bunga ay panghabambuhay. Mag-ipon ka ng suwerte at materyal na bagay para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-29-30-40-42.




Comments