top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hunyo 16, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Jun 16, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 16, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 16, 2022 (Huwebes): Magagandang ideya ang nabubuo sa iyong isipan at kung lalakipan mo ng kaukulang pagkilos, mas mabilis kang yayaman. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madadagdagan ang kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig sa mga may alam at sanay na. Sa ganitong paraan, malabong mabigo ka sa sisimulan mong proyekto. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumukupas ang pag-ibig kapag kulang sa romansa at dilig ng pamamahalan. Huwag mong hayaan na mabawasan ang pagtitinginan n’yo ng iyong karelasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-25-28-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakasawa ang paulit-ulit na ikot ng buhay kung hindi susubok ng bagong pakikipagsapalaran. Hindi puwede na talunin ka ng lungkot, kaya gumawa ka ng paraan upang sumaya ang kaluluwa mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-13-38-39-42.

CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo, ang magagandang bagay ay magdaratingan sa buhay mo. Wala kang gagawin kundi tanggapin ang mga ito. Hindi dapat umiral sa iyo ang pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-18-27-29-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bagong pananaw ang papasok sa isipan mo, at kakaiba ito kaysa sa dating pinaniniwalaan mo. Nagbabalita ang kapalaran na magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan na magpapasaya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-19-21-28-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapagturo ang papel mo ngayon sa mundo. Huwag mong pagdamutan ng kakaibang kaalaman ang lalapit sa iyo. Tulad ng isang estudyante, mamahalin niya ang kanyang guro. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-20-29-31-40-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung nasaan ang puso mo, ru’n ka. Puwede mo ring labanan ang iyong damdamin, pero ang lihim na kalungkutan ay mamamalagi sa iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-22-28-30-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Salubungin mo ang mga araw na darating kung saan maraming oportunidad ang mapasasaiyo. Ngayon pa lang ay puwede ka nang magdiwang kasama ang ilang mga kaibigan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-24-26-34-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi inaawat ang galit na galit. Sa halip, hinahayaan lang dahil kahit gaano katindi ang galit, tulad ng malakas na bagyo, humuhupa rin ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-19-23-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang masama sa pagtatanong kung ang nagtatanong ay talagang gustong matuto. Pero mag-ingat ka sa nagtatanong sa iyo na may masamang motibo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-16-28-29-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matindi ang paghahanda kapag ang gustong gawin ay malaking proyekto. Ibig sabihin, huwag kang sugod nang sugod upang hindi ka magkamali ng pagdedesisyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mauubusan ng suwerte ngayon. Lakasan mo ang iyong loob at gawin ang anumang gusto mo. Makipagsapalaran ka at mapasasaiyo ang walang kapantay na ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-18-21-29-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page