top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 15, 2023 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 15, 2023



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 15, 2023 (Huwebes): Ginagarantiyahan ang araw na ito na mamili ka man ng paulit-ulit, gaganda pa rin ang takbo ng iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maaakit ka sa panlabas na ganda, sa iba ito ay hindi maganda pero para sa iyo, ito ang nagsisilbing pampasigla na mapapakinabang mo upang lalo ka suwertehin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-20-24-38-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon! Alam mo kung sino ang mamalasin? Sino pa ba kundi ang mga kontra-bida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-15-28-39-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang saya ang iyong madadama ngayon. Pinasaya ka ng langit upang ipagpatuloy mo ang iyong pagsisikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-20-28-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Magbabalik ang dating lakas ng iyong likas na gayuma. Maaaring ang epekto nito ay makipagbalikan sa iyo ang mga naging bahagi ng iyong nakaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-20-26-35-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi magandang hanapin ang nawala. Ang mas maganda ay salubungin ng masaya ang magagandang kapalarang paparating. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-25-38-45-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag nagsama ang positibo at negatibo, tiyak na gaganda ang takbo ng iyong buhay. Kaya kung ikaw ay isang negatibo dapat na dumikit ka sa mga positibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-20-21-27-28.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo na ngayon ang mga ‘di mo nagawa noon, dahil ngayon mo papakinabangan ng husto ang mga darating na pag-unlad sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-16-20-24-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaibang sigla ang iyong madadama. Isang sigla na magmumula sa paniniwala mo sa iyong sarili. Ito ang itanim mo sa isip mo.

Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-15-20-35-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masaya kapag ang magkakasama ay nagkakaisa. Ito ang sikapin mong mangyari ngayon. Dahil ang hindi pagkakaunawaan ay magbubunga ng malalaking kabiguan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-24-29-30-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang maganda. Dahil bakit nga ba susunod ka sa payo na huwag piliin ang maganda sa panangin? Ang hindi maganda sa paningin ay hindi rin maganda sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-26-28-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Kaya ang pinakamagandang magagawa mo ay ang piliin mo mula sa kanila kung saan ka tunay na makikinabang. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-17-20-23-30-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nahuhulog ang bunga kapag hinog na. Ngayon ay hinog

ka na para maging isang negosyante na kung saan ang buhay mo ay uunlad ng todo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-25-30-37-42.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page