Horoscope | Hunyo 14, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 14, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 14, 2022 (Martes): Bilis ang sandata ng kapalaran na ibinigay sa iyo mula nang ikaw ay isinilang. Gamitin mo ito para ang anumang layunin sa buhay ay iyong makamit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabagal, pero sigurado. Ito ang sinasabi na ang bawat pagkilos ay pinag-aaralan. Ang nakakalimot mag-analisa sa puwedeng maganap ay nahaharap sa malalaking kabiguan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-20-21-28-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka nang lumayo pa. Ang suwerte mo ay nasa malapit lamang. Ang totoo, katabi mo lang ito at handang sumaiyo anumang oras mula ngayon. Oo, isang pagsasayang lang ang paghahanap sa malayo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-25-26-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang gustong maging bida ngayon, pero ikaw ang napili ng langit na higit na maging maningning sa mga bituing nagkikislapan dahil sa iba’t ibang husay at galing. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-15-20-27-31-32-36.
CANCER (June 21-July 22) - Pinipili ang may mabuting kalooban kaysa sa nagpapakita ng pagkukunwaring magandang katangian. Ikaw ay napabibilang sa hanay ng una at tiyak na mapipili ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-16-27-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang una at walang pangalawa sa iyo. Ibig sabihin, may kasunod ka, kaya lang, maiiwanan mo na sila. Pero huwag ka munang magsaya dahil ang maganda ay manatili kang mapagkumbaba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-15-23-25-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maaga mong makikilala ang hindi para sa iyo. Baguhin mo ang iyong mga plano para makatiyak ka ng malaking panalo. Ito ang mensahe at payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-18-20-26-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsaya ka, pero sa iyong pagsasaya, dapat madagdagan ang sakit ng pagkatalo. Buksan mo ang pintuan ng pagkakaisa at pagkakasundo. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-22-29-31-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nanalo ka dahil sa iyong kabaitan. Sa pagpapasalamat, muli mong ipakita ang pagiging matulungin at pagmamahal mo sa mga kapus-palad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-30-31-38-40-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumabagsak ang nasa itaas dahil sa iyo. Matutupad ang sinasabing, ang mapagmataas ay bumabagsak at ang mapagkumbaba ay iaangat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-22-27-35-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tapos na ang sobrang kaba at napalitan na ng sobrang saya. Ang mensahe at payo sa iyo ay nagsasabing ihanda mo ang iyong sarili sa marami pang surpresang ibibigay sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-23-24-27-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mapapatunayan na ang mga kaaway ay kaibigan din. Ito ang istorya pagkatapos ng mga drama na nangyari sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-26-28-31-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sa simula pa lang, tinatanggal na ang walang karapatan. Ito ang batas ng kapalaran. Hindi ka matatanggap dahil ikaw ay may karapatan. Kaya mula sa araw na ito, bubuhos ang mas maraming magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-20-25-26-38-42.




Comments