top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hunyo 13, 2022 (Lunes)

BULGAR
Jun 13, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 13, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 13, 2022 (Lunes): Higit kang masuwerte kaysa sa inaakala mong mas masuwerte sa iyo. Ang mga suwerte nila ay hindi magtatagal pero ang sa iyo ay panghabambuhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong kalooban sa harap ng mga kontrabida na wala namang magawa kundi ang kumontra. Hindi dapat masira ang diskarte mo dahil lang sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manahimik ka at habang nasa tahimik kang kalagayan, ang mga ideya upang mabilis na umasenso ay maglalabas-pasok sa iyong isipan. Kapag isinabuhay mo ito, ikaw ay yayaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-26-38-40-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Bawat gagawin mo ay gawin mo nang mabilis. Hindi mahalaga kung matapos mo o hindi. Ang mga suwerte ay mapasasaiyo kapag mabilis ka sa lahat ng iyong ginagawa. Huwag ka nang mag-agam-agam pa, muli, bilisan mo ang pagkilos. Mauswerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-17-25-28-34.

CANCER (June 21-July 22) - Nasaan ang buwenas mo? Saan pa kundi nasa matalik mong kaibigan. Anuman ang gusto mong gawin at kahit anong uri ng pakikipagsapalaran ang iyong suungan, ngiti ng kaibigan ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-14-23-29-40-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magagalit ngayon kahit marami kang nakikitang nagkakagalit. Dahil kapag naging mahinahon ka, ang mga suwerteng magsisidapo sa mga taong magagalitin ay isa-isang mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-28-31-38-43-46.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aralan mo ang galaw ng mga nakikita mo. Ito ay dahil matutuklasan mo kung paano dadating at lilisan ang mga suwerte mula sa itinatakbo ng mga pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-15-18-21-26-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang nagbigay sa iyo ng mga suwerte sa nakaraan, ‘yun muli ang magbibigay sa iyo ng suwerte ngayon. Sa pagkakataong ito, malaking suwerte ang mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-13-24-30-41-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Akala mo, mailap ang suwerte sa iyo. Pero ang totoo, mapagbiro ang kapalaran tulad ng tao na kapag magagalit na ang binibiro, pinasasaya na. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-26-35-36-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kasabay ng pagdadating ng mga bulalakaw, ang mga suwerte mo ay magdadatingan na rin ngayon. Lakasan mo ang iyong loob at makipagsapalaran ka. Maswerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-19-24-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit mo palalagpasin ang mga suwerte sa araw na ito dahil sa iniinda mong lungkot? Mabuhay ka nang may saya at bubuwenasin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-38-40-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maraming inggit sa iyo noon pa man. Dahil ang totoo, talagang nakakainggit ang kapalaran mo at magpapatuloy pa rin ito. Hindi maaawat ang nakakainggit mong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-22-26-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ka makipagsapalaran, makipag-ugnayan ka muna sa nasa malayo na madalas na nagpapasaya sa iyo. Gawin mo ngayon dahil ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-20-25-30-37-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page