top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | Hunyo 12, 2022 (Sabado)

  • BULGAR
  • Jun 12, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 12, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 12, 2022 (Linggo): Hindi mauubos ang mga oportumidad na mag-aangat nang sobra sa iyong estado. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Anuman ang ikilos mo ngayon, papasulong nang papasulong ang buhay mo. Ito ay dahil ang iyong kahinaan ay hindi makakaapekto sa magandang ikot ng gulong ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-25-39-40-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aayon sa mga plano mo ang mga pangyayari kahit ang mga kumokontra sa iyo ay ayaw kang tigilan ngayon. Ngunit hindi sila mananaig, sa halip, sila ay mabibigo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-16-24-25-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga hindi kilalang produkto dahil marami ang napapahamak sa mga hindi kilalang ibinebenta. Ganundin sa tao, huwag mong pansinin ang hindi mo kilala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-29-30-33-35.

CANCER (June 21-July 22) - Sumubok ka ng bagong pormula. Lakasan mo ang iyong loob dahil noon pa man, malakas ang puwersa ng mga bagong ideya, kaya ang mundo ay papasulong. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-21-29-38-41-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mo kung ano ang hawak mo. Ibig sabihin, huwag mong pabayaan na mawala pa ang nasa iyo na. Sa ganitong paraan, magiging matatag ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-18-24-29-33-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi makakabuti sa iyo ang manatili sa kalungkutan. Magagandang bagay ang mapasasaiyo kapag sinimulan mong maging positibo. Balikan mo ang mga tagumpay na natamo mo sa nakaraan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-11-14-16-21-25.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalik ang mga araw na hindi mo kailangan ang iba para gumanda ang iyong buhay. Ang totoo, marami ang mangangailangan sa iyo para gumanda ang kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-26-27-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakalito pero nakakatuwa ang mga pangyayari dahil ang magagandang bagay na natatanggap mo ay mula sa mga taong kumokontra sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-21-28-30-31-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaiba ang takbo ng kapalaran mo sa araw na ito. Ang sunod-sunod na panalo ay mapasasaiyo kahit wala kang gawin. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-22-24-27-36-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang pagdududa sa iyo ng mga walang bilib sa ginagawa mo. Pero ang nakakagulat ay ang katotohanan na hanggang ngayon, ikaw ay nagdududa sa sarili mong kakayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-21-29-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nawala ka sa buhay ng isang tao, babagsak siya. Ito ay alam mo kaya mahihirapan kang magpasya kung siya ba ay dapat mong iwanan o hindi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-25-31-39-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Natatalo ang pumupusta, pero puwede rin siyang manalo. Gayunman, dapat mong malaman na ang tuloy-tuloy na pagsisikap ang tunay na susi ng magandang kinabukasan at malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-22-25-31-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page