Horoscope | Hunyo 11, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 11, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 11, 2023 (Linggo): Alalayan mo ang mahihina dahil nasa iyo ang lakas. Sa katunayan, hindi muna kailangan ang iba upang mapaunlad mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw para dagdagan mo pa ang iyong kilos, upang mas makinabang ka sa magandang panahon ng iyong pagnenegosyo. Hindi dapat masayang ang araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-29-30-31-34-37-.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mong mabuti ang iyong makakasama dahil kung ‘di ka mag-iingat, magagamit ka lang at sa bandang huli ay magsisisi ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-20-22-25-26.
GEMINI (May 21-June 20) - Isingit mo ang pagpapasaya dahil ang mahalagang sikreto ng iyong kapalaran ay nagsasabing pag napasaya mo ang iyong kapwa, susuwertehin ka ng todo. Masuwerteng kulay- purple. Tips sa lotto-14-18-29-35-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kontrolin mo muli ang iyong emosyon. Kapag maganda ang takbo ng iyong negosyo, ang dapat na isaisip mo ay ang kumita ng malaki. Kaya dapat na isantabi na muna ang pansariling damdamin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-23-27-33-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi lang naman pag-ibig ang dahilan kung bakit malakas ang tibok ng ating puso. Tulad ngayon, lalakas ang tibok ng iyong puso dahil darating na ang magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-26-25-32-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kaya ka nakakaranas ng parang ‘di umuusad ang suwerte mo ay dahil pinagbibigyan mo na makasingit sa isip mo ang mga negatibong pananaw. Ito ang katotohanan ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-21-26-27-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kakaiba ang takbo ng iyong kapalaran ngayon dahil marami ang nagsasabing ikaw ay kanilang inspirasyon . Huwag kang malito. Noon pa rin naman ay marami ka ng pinasasaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-22-26-39-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na matutukso kang mag-iba ng plano dahil maraming magagandang bagay ang naglalabas-masok sa isip mo. Pero ang payo huwag kang magbabago. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-17-23-36-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasa balikat mo ang responsibilidad na hindi kaya ng iba. May premyo ka mula sa langit dahil magagampanan mo ng higit ang iyong tungkulin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-24-26-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka nang kumilos, upang hindi makasingit ang mga negatibong pananaw. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-23-34-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang papatalo sa iyong imahinasyon. Sa mundo ng pantasya, hindi lahat maganda. Manatili kang nakatutok kung paano mo mapapaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-21-25-29-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtutuluy-tuloy ang suwerte mo ‘pag patuloy kang nakipagkaibigan at pantay-pantay ang tingin mo sa kapwa mo. Ito ang isa sa sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-20-25-39-42.




Comments