Horoscope | Hunyo 11, 2022 (Sabado)
- BULGAR
- Jun 11, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 11, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 11, 2022 (Sabado): Malakas ka. Kaya ka lang naman humina ay dahil iniisip mong mahina ka. Huwag mo itong kalilimutan dahil ito rin ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutok ang kailangan mo sa gusto mong mangyari sa iyong buhay. Hindi ka dapat maapektuhan ng hindi magagandang karanasan ng ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumalakas ang negosyo kapag ang may-ari ay palakaibigan. Kaya maging palakaibigan ka at makakaasa ka na muling babalik ang magandang takbo ng iyong negosyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-17-21-27-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Matututo ka sa iyong karanasan, kung saan ang mga aral sa buhay ay iyong tatandaan. Hindi na mauulit ang kabiguan kapag hindi inulit ang nakaraang pagkakamali. Ito ang mensahe ng kapalaran para sa iyo. Mauswerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-20-21-27-35-36.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat maapektuhan ng mga nasa tabi mong negatibo ang kaisipan. Mas magandang ang makakaapekto ay ang pangarap mo na gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-23-38-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tumulong ka para makarekober ang malapit sa iyo. Dahil ang kailangan niya ngayon ay tulong na manggagaling sa iyo. Makakaasa kang gagantimpalaan ka ng langit dahil dito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-20-21-26-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpapatangay sa mga naglalakas-lakasan ng loob. Idadamay ka nila sa kanilang masasaklap na kabiguan. Mas magandang analisahin mong mabuti ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-21-25-26-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng maging tama ang mali. Ang nangangatwiran ngunit mali naman ang pinagsasabi ay huwag mong paniwalaan. Muli, ang tama ay tama at ang mali ay palaging mali. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-14-29-30-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang alalay ng iba dahil hindi mo pa sinusubukan ang isang bagay na sa totoo lang ay madali para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-21-28-30-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging huwaran ka. Ang huwaran ay ipinakikita ang tamang dapat gawin. Hindi puwedeng huwaran ang utos lang nang utos. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-27-36-37-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maging maunawain ka. Minsan, talagang hindi nakakatupad sa pangako ang iba. Pero ‘pag naging maunawain ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-15-20-21-26-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malakas ang taong naninindigan at mahina ang taong walang paninindigan. Dapat sa una ka mapabilang dahil sa gagawin mong paninindigan, gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-20-24-27-31-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang iyong sarili. Hindi nakakapag-isip nang mabuti ang masyadong emosyonal. Ang kailangan mo ngayon ay katahimikan at payapang kapaligiran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-25-27-30.




Comments