top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hunyo 10, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Jun 10, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 10, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 10, 2022 (Biyernes): Patuloy kang makakatanggap ng mga biyaya mula sa langit kahit patuloy kang tinatalo ng iyong mga kahinaan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasasayahin ka ng langit. Makakaranas ka ng mga biglaang paghulagpos at pagbugso ng mga suwerte. Hindi man sapat para masabing natupad na ang iyong pangarap, ang sobrang tuwa at saya ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-20-23-28-30-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simple lang naman ang susi para buwenasin ka at ito ay ang magkunwari kang masaya. Magugulat ka dahil ang mga suwerteng umaaligid sa iba ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-21-24-27-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng bago at magbabago ang takbo ng buhay mo. Magsuot ka ng luma, hindi uusad ang kapalaran mo. Sa halip ay babalik ka sa nakaraan kung saan malungkot ang buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-20-26-28-30-33-36.


CANCER (June 21-July 22) - Aakalain ng marami na sobrang malakas ka sa langit dahil mas papaboran ang iyong kahilingan na ang totoong dahilan ay ikaw ay mapagpakumbaba at hindi mapagmataas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-23-35-40-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Titimbangin ka ng langit at kapag nakitang sapat ang ilang magagandang katangian mo at hindi ka naman lumalabis, pagpapalain at sasaya ka nang sobra. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-25-29-33-36-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalamangan ka ng iyong kaibigan. Huwag kang magalit dahil ang tunay na magkakaibigan ay naglalamangan kahit paminsan-minsan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-22-25-28-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang gusto mo at magpapasaya sa iyo, gawin mo. Gawin mo ngayon ang mga kinokontra ng marami dahil ang lahat naman ay kailangan mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-29-30-31-32-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka magpapaawat? Ikaw ang higit na nakakaalam sa buhay mo. Huwag mong pansinin ang iba na akala ay alam nila ang lahat ng tungkol sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-14- 20-23-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ang susi ng iyong tagumpay. Ang kailangan na lang ay gamitin at isabuhay mo ito. Gayundin, hindi maganda kung sa isip mo lang ito mananahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-26-29-33-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bumanat ka ayon sa iyong pangarap. Makikita mo na aabante ka nang husto at matatanaw mo ang masaganang buhay na naghihintay sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-9-18-31-35-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatabi ang mga kontrabida at ang magtatangka na hadlangan ka ay masisira ang diskarte dahil kitang-kita nilang umaayon sa kagustuhan mo ang lahat pangyayari. Ang hindi nila alam, nangyayari ito dahil sa kagustuhan din ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-22-23-39-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit nasaan ka at anuman ang iyong ginagawa, mali ka man o tama, wala namang epekto ang mga ito sa nakatakdang pagdating ng malaki mong buwenas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-24-28-34-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page