Horoscope | Hunyo 1, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 1, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 1, 2022 (Miyerkules): Masuwerte ka sa mga materyal na bagay at mayaman pa ang iyong kaisipan. Para bang sa lupa, ikaw lang ang nag-iisang anak ng langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakapusin ang mga karibal mo at hindi sila makakahabol. Ang talagang kulang nila ay ang talino na nakuha mo sa mga karanasan na patuloy na nag-aangat sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-21-24-31-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan masaya, ru’n ka. Dahil sa mga sandali na ikaw ay masaya, ang mga suwerte ay magsisimulang gumuhit sa kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-18-23-35-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla at saya ang mapasasaiyo dahil ang maliit na suwerte ay magiging malaki. Sa totoo lang, kahit ikaw mismo ay masusurpresa. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-22-26-31-36.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon darating ang ilang mga suwerte mo na naantala dahil inasikaso mo ang mga walang kabuluhang bagay na para sa ibang tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-27-35-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Higit sa anuman ang kailangan, manggagaling sa iyo ang simpatya at malasakit sa taong malapit sa iyo. Tatanaw siya ng utang na loob at pagkakalooban ka ng bagay na labis mong ikasasaya. Masuweteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-15-26-32-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang magbibigay sa iyo ng saya, ‘yun ang piliin mo. Sa pagpili, huwag kang tumulad sa iba na dinadaya ang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-23-39-42-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit pa mawalan ka ng malaki, mas malaki ang ipapalit sa iyo. Hindi papayag ang langit na maagrabiyado ka ng mga naghahangad na ikaw ay mabigo at masaktan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-18-20-31-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpatulong ka sa mga bagay na hindi mo kayang gawin. Ngunit ang mga kaya mo naman, ikaw mismo ang gumawa. Sa ganitong paraan, ang paghanga ng langit ay para sa iyo, kaya ikaw ay patuloy na pagpapalain. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-19-21-28-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mo nang umakyat sa mas mataas na antas ng buhay mo. Inuutusan ka ng langit na simulan na ito ngayon. Ito ang paraan para umunlad ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-23-27-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabibihag mo ang malakas kahit sa totoo lang, ikaw ay mahina. Ang nakakatuwa, susunod sa kagustuhan mo ang mga naghahari-harian. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-20-25-39-42-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi puwedeng manatili ka sa nagbibigay sa iyo ng kalungkutan. Magdesisyon ka kahit nahihirapan ka. Ito ang susi upang tuloy-tuloy nang magsipasok sa buhay mo ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-21-25-32-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Saliksikin mo ang motibo ng isang taong nagpapakita sa iyo na ikaw ay espesyal. Malalaman mo na sa kanya, puwede kang sumaya, ngunit hindi lang ikaw ang kanyang pinapasaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-17-25-27-35-41.




Comments