Horoscope | Hulyo 9, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 9, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 9, 2024 (Martes): Pansamantalang aatras ang mga suwerte mo, pero ‘wag ka mag-alala dahil muli itong bubuwelo para muling mapasaiyo ang mga tagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Palakasin mo ang loob ng mga taong pinanghihinaan. Habang nagpapalakas ka ng loob, mapapansin mong lalago ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-9-15-27-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hanapin mo ang munting liwanag sa dulo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-24-39-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo dapat na ikalungkot ang dagdag na pahirap. Ito ay para sa kapakanan ng lahat. Matuto kang magtiis, dahil dito ka rin susuwertehin at magtatagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-9-19-23-36-44
CANCER (June 21-July 22) - Kahit gaano kadilim ang ulap, may maaaninag ka pa ring liwanag. Isabuhay mo ang positibong pananaw para ‘di ka tablan ng sobrang kalungkutan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung kaya ng iba, kakayanin mo rin! Kaya umpisahan mo na magpayaman ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-28-35-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong yakapin ang kalungkutan, dahil baka lamunin ka lang nito at magkasakit ka pa. Magpakasaya ka, dahil sa saya magmumula ang suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-23-34-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbalik-tanaw ka sa panahon ng unos at bagyo. Gaano man kalakas ang bagyo, naglalaho rin naman ito. Ibig sabihin, mawawala rin lahat ng iniinda mong problema. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-25-31-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo at mag-ingat ka sa mga taong may negatibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-13-20-29-34-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Naglalagas ang dahon sa puno, dahil sa mga dahon na bagong usbong. Kung nakakaranas ka ngayon ng kahirapan, ‘wag kang mag-alala dahil darating din ang araw na magbabago rin ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-18-21-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) -Mas magandang mag-ingat kaysa magkaroon ng lakas ng loob. Sa ngayon, isantabi mo muna ang lakas ng iyong loob, dahil ang dapat mong gawin ngayon ay mag-ingat. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-15-23-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansin mo ba na kapag malakas ang hangin, ang mga bagay ay tinatangay? Mahirap nga lang paniwalaan, pero ang malakas na hangin ay panlaban din sa mapaminsalang mikrobyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-17-31-40-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Gawin mo na ngayon ang mga bagay na noon mo pa gustong gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-8-19-25-29-34.



Comments