Horoscope | Hulyo 9, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 9, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 9, 2022 (Sabado): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang mga hamon ng kapalaran na hindi mo aatrasan ay iyong mapagwawagian.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Magsabi ka kung ano ang kahilingan mo sa langit dahil kahit may pagkaimposible, gagawa ng paraan ang langit upang sumaya ka lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-20-25-28-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang nagpapalakas ng loob mo, siya ang samahan mo. Lumayo ka sa mga taong paladaing dahil wala kang mapapala sa kanila at baka mahawa ka pa. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-18-29-31-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakaiba ang lakas ng loob mo ngayon. Kahit ang mga alam mong imposible ay gagawin mo pa rin. Sa ganitong paraan, hahangaan ka ng langit at ibibigay sa iyo ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-20-21-25-28.
CANCER (June 21-July 22) - Sabihin mo na ngayon ang gusto mong sabihin. Huwag ka nang maghintay pa ng ibang araw dahil sa kasalukuyan ay kaya mong ibulalas ang lahat ng iyong saloobin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-13-25-29-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matamis ang pinaghirapan. Ang madaling nakuha ay pinagsasawaan agad. Ang una ang piliin mo nang sa gayun ay maranasan mo ang pangmatagalang panahon ng pagsasama. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-21-28-35-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang tumulad sa naghihintay lang ng kapalaran. Mas masaya ang kumikilos ayon sa sariling kagustuhan. Sa mga naghihintay, ang buhay ay isang malaking katamaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-24-28-34-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Gayunman, malulubos ang iyong kagalakan dahil ang lahat ay para sa ikagaganda ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-15-21-33-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabagal ang pagsisimula ng mga proyektong pangmatagalan. Huwag kang mainip kapag ngayon ay mabagal ang galaw ng bagong pagkakakitaan na mag-aangat sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-20-26-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umaayon sa mga kagustuhan mo ang langit. Ang totoo, kahanga-hanga ka ngayon dahil sa malinis at wagas mong hangarin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-30-31-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo ang anumang gusto mo. Kapag may pagkakataong tila hindi uubra ang gusto mo, ito ay isang pagsubok lamang upang malaman kung talagang malakas ang loob mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-23-35-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dapat palagi kang alerto dahil may mga tao na gustong mandaya sa iyo. Magtatagumpay sila kapag masyado kang nagtiwala. Sa ngayon, ang pagiging tamang hinala ay papakinabangan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-24-25-30-41-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Higit kailanman, ngayon mo kailangan ang iyong kalayaan. Ilagay mo sa iyong isip na ang nasisikil ang kalooban ay nakakagawa ng mga bagay na sa huli ay kanyang pagsisisihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-16-22-25-34.




Comments