Horoscope | Hulyo 7, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 7, 2026 (Martes): Napakalakas ng iyong pandama. Hindi lang ang mga motibo ng tao ang madarama mo. Sa katunayan, kaya mo ring matunugan ang mga posibleng mangyari.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo lang ang pangarap mo. At ang iba ay isantabi mo muna. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-24-30-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula sa malayo, magmamadaling dumapo sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-19-21-37-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Ipinapayo ng kapalaran mo na kumuha ka muna ng magagandang ideya sa iyong mga kakilala. Ang pagdaragdag ng kaalaman ay makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-13-20-26-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Nasa lakas mo ang iyong suwerte. Huwag mo itong sayangin, bagkus gamitin mo para mapabilis ang katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-12-14-29-36-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon. Kahit ipilit mo na ikaw ay malakas, hindi mo kaya na hindi maawa sa minsan ay hindi nakatupad sa kanyang salita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-25-30-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pahalagahan mo ang iyong damdamin. Huwag mong saktan ang iyong sarili, dahil hindi maganda na magsakripisyo ka nang labag sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-22-28-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabala ang iyong kapalaran na ang nasa malapit ay magtatampo sa iyo dahil madarama nilang pinahahalagahan mo ang mga nasa malayo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-28-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Suwerte ka ngayon. Kahit pa kontrahin ng mga lihim at lantad mong kaaway ang nadarama nilang nagdudulot ng magagandang kapalaran sa iyo, wala na silang magagawa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-19-24-31-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituro mo ang lihim ng iyong tagumpay. Ang hindi pagdaramot ng kaalaman ay mas lalong binibiyayaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-20-23-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Napakalakas ng iyong imahinasyon sa mga araw na ito. Mas mabuti kung gagabayan mo ang iyong isip na ituon lamang sa mga positibong bagay. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-5-10-22-25-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamasyal ka kahit sandali lang. Ang pananatili sa loob ng bahay ay magdudulot sa iyo ng kalungkutan, at ang kalungkutan minsan ay maaaring magdulot ng karamdaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-14-16-24-27.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling gaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Mawawala na ang iyong pananamlay at mapapalitan ito ng kakaibang sigla. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-21-29-30-41.



Comments