Horoscope | Hulyo 7, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 7, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 7, 2022 (Huwebes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan. Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya na puwedeng magpayaman sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumalawak ang iyong pang-unawa ngayon. Magagandang plano ang namumuo sa isipan mo. Tatalunin mo ang iyong mga karibal na nananatili sa kasalukuyang kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-21-24-29-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang mga payo ng malalapit sa buhay mo at hindi ka maliligaw. Huwag na huwag mong pakinggan ang sarili mo na nag-aakalang alam na niya ang lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-22-24-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi dapat maantala ang mga plano mo dahil sa ilang hindi naniniwala sa iyo. Hindi mo sila kailangan, bagkus, ang kailangan mo ngayon ay ang lakas ng kalooban. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-25-29-30-31-33.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbababala na hindi ka titigilan ng mga negatibong pananaw. Mas magandang magbalik-tanaw ka sa mga nakaraang mabibigat na pagsubok na iyong pinagtagumpayan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-11-18-19-28-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag marami ang hinihingan ng payo, mas naguguluhan ang tao. Gawin mong simple ang lahat — ang sundin at pakinggan mo ay ang iyong pinagkakatiwalaan noon pa man. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-23-32-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat ay naghahangad ng magandang buhay, pero mas marami ang hindi tutok sa pagpapaganda ng kanilang kapalaran. Huwag kang tumulad sa kanila, bagkus, ilabas mo ang iyong buong lakas sa bagay na ikauunlad mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-22-28-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Naiiba ang kilos ng tao kapag siya ay umawit ng masayang musika. Ito ang solusyon sa kasakuluyang pananamlay mo kung saan parang may sakit ka, pero wala naman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-22-29-32-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang pinakamalaki sa mga pangarap mo, ‘yun ang tutukan mo. Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi mo man kayanin, tiyak na susulong pa rin ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-17-20-23-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit nakakaramdam ka ng pagod, huwag kang hihinto. Ang tagumpay ay malapit na malapit mo nang maabot. Ayon sa kuwento, dahil palaging namamahinga ang kuneho, naunahan siya ng pagong. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-26-27-30-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Namumuo na ang ulap na nagbibigay ng ulan. Dumating na rin ang takdang panahon para sa iyo na kung ano ang itinanim mo ay lalago at mamumunga ng marami. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-22-25-27-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi basta-basta papayag ang makulit na hindi niya makuha ang kanyang gusto. Tularan mo ang makukulit at tiyak na hindi ka mabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-23-26-29-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasulong ang lakad ng tao, kaya dapat ay pasulong din ang buhay mo. Hindi maganda kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-14-28-33-35.




Comments