Horoscope | Hulyo 6, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 6, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 6, 2023 (Huwebes): Marami ang naghihirap at nagsisikap para gumanda ang kanilang kinabukasan, pero ikaw kapalaran mo mismo ang magpapaganda ng buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na para bang ikaw ang bida. Sa ganitong paraan, ang mga suwerteng hindi pinapansin ng iba ay sa iyo mapunta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-20-35-41-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang araw mo at ang mga araw na darating ay para sa iyo pa rin. Marami ang maiinggit sa iyo dahil ang mga biyaya ay dadaloy sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-19-22-34-38-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo. Kalimutan mo na ang kahapon at nakaraang kabiguan, humiling ka ngayon. Tiyak na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang anumang kahilingan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-25-27-30-36.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbalik ang lakas ng iyong karisma, gamitin mo ito sa negosyo o sa mga aktibidad na kikita ka. Iwasan mong gamitin ito sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-28-31-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil magsusuplada ka pero sa halip na layuan at iwasan ka nila, mas lalo ka pa nilang papangarapin na maging bahagi ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-21-25-26-4.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang tumanggi sa mga paanyaya. Ngayong araw ka maraming papasayahin. Ang lihim na tawag nila sa iyo ay ‘suwerte’. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-13-15-23-31-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Harapin mo ang mga hamon na darating sa iyong kapalaran. Ang panalo ay para sa iyo. Hindi ito gabay, ito ay tiyak na maitatala sa aklat ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-12-14-21-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tandaan mo kapag matamis ang pag-ibig, gumaganda ang kapalaran. Kailangan maibalik mo ang tamis ng paglalambingan ng sa gayun ay mapabilis din ang pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-16-29-30-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi natin kailangan ang sobrang seryoso. Mas magandang haluan natin ito ng katuwaan, harutan at tawanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-26-36-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Manatili ka sa iyong pangarap. Huwag kang tumulad sa iba na nainip at nagbago ng isip kaya mas lalong nahirapang yumaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-21-22-23-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala sa biglaang pagpapalit mo ng pasya. Balikan mo ang iyong nakaraan at makikitang mong sinuwerte ka dahil sa kakaibang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-27-30-33-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang ang pampasuwerte mo ngayon. Ito ay nagsasabing lagyan mo ng munting ngiti ang iyong mga labi. Sa ganitong paraan, magugulat ka dahil bubuwenasin ka ng todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-23-30-33-34-44.




Comments