Horoscope | Hulyo 5, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- 17 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 5, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 5, 2026 (Linggo): Nakatakda kang mamuno, kaya pinaaalalahanan kang mahalin at igalang mo ang iyong mga tauhan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magmadali. Sa araw na ito, kikilos ang langit at aayon na ang iyong kapalaran base sa iyong kagustuhan. Kaya magtiwala ka, sapagkat ngayon na magsisimula ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-20-23-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong sarili dahil langit mismo ang magbabantay sa iyo. Ang sinumang magtangkang sumira sa iyong mga kagustuhan, agad na kagagalitan ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-21-25-36-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi masama kung magmamadali ka, ang mahalaga ay ginagamit mo ang talas ng iyong isip. Noon pa man at magpahanggang ngayon, ito na ang sandata ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-11-18-28-30-33.
CANCER (June 21-July 22) - Makakabuti sa iyo na humingi ng payo sa taong pinagkakatiwalaan mo o sa mga matagal mo nang kakilala. Ngunit huwag sa mga bago at hindi mo pa gaanong kakilala, dahil tiyak na sa panahong ito ng iyong buhay ay ipapahamak ka lamang nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-19-27-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nasaiyo ang suwerte. Kaya patatagin mo ang pakikipag-ugnayan sa kanila upang magpatuloy ang pagdating ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-20-22-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong isipin ng iba na mas matalino ka kaysa sa kanila. Sa totoo lang, malayo ang agwat mo sa kanila, ngunit mas maganda pa ring isipin nilang kapantay mo lamang sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-12-23-31-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Didikit sa iyo ngayon ang taong maaaring pagmulan ng masasarap at masasayang karanasan. Kung sino ang dikit nang dikit sa iyo, siya na iyon at wala nang iba! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-24-30-34-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na kailangan mong magpatawad at magmahal. Kapag pinairal mo iyon, tiyak na mapapasaiyo ngayon ang malalaking tagumpay at pag-unlad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-19-26-28-30-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung gusto mong umasenso, ngayon na ang tamang pagkakataon, kaya huwag ka nang magdalawang-isip pa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-27-31-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magplano ka para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-13-20-22-32-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magkunwari kang nalulungkot upang makuha mo ang gusto mo. Kapag nagkunwari kang masaya, malulustay at mauubos lang ang pera mo, at maaari ka pang mabaon sa utang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-23-25-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malakas na kaba ang iyong mararamdaman, at ang ibig sabihin nito ay malalaki at kakaibang suwerte ang paparating. Upang mas mabilis na dumating ang nasabing mga suwerte, alisin mo ang pagiging negatibo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-26-29-35.



Comments