Horoscope | Hulyo 5, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 5, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 5, 2024 (Biyernes): Gamitin mo ang galing mo sa pagkukuwento, at pagkukumbinsi sa larangan ng pagnenegosyo, dahil d’yan ka yayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis na pagdedesisyon ang kailangan mo ngayon. Dahil kapag mabagal ka, mauunahan ka lang ng pag-aalinlangan at mga karibal mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-6-12-27-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa harap mo ngayon ang pagkakataong yumaman. Kaya sunggaban mo ang mga oportunidad na may kinalaman sa pagpapalago ng iyong negosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-19-23-34-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan ka sasaya, iyon ang piliin mo. Ang pagiging masaya ang sikreto para gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-18-20-33-45.
CANCER (June 21-July 22) - Muli, lumayo ka sa mga taong paladaing, dahil malaki ang tsansang mahawa ka sa kanila. Bagkus, dumikit ka sa mga taong abala sa kanilang paghahanapbuhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-21-25-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mong magkuwento ng sobra, dahil baka maibahagi mo ang sikreto ng kapwa mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-22-28-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Suwerte ka ngayon. Ibahagi mo sa iba ang ilang suwerte mo. Ito ang sikreto para suwertehin ka ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-21-29-31-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka, para makuha mo na ang pinapangarap mo. Kapag ginawa mo ito, tiyak na liligaya ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-18-26-33-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nabubuhay ka dahil sa mga mahal mo sa buhay, at sila rin ay nabubuhay dahil sa iyo. Higit kaninuman, mas dapat mong pahalagahan ang mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-27-34-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutok lang! Tutok lang sa iyong pangarap. Ang mga pagsasaya na pagsasayang lang ng panahon ay iyong iwasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-9-11-15-21-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghintay! Huwag kang mainip, dahil hindi ka bibiguin ng langit. Pero ang mga taong sobrang kulit at mainipin, tiyak na aani ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-26-31-36-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pagkakaroon ng positibong kaisipan ang sikreto para yumaman ka. Kaya hindi ka dapat maapektuhan ng mga negatibong pangyayari sa iyong kapaligiran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-15-19-22-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Laging natatalo ang mga taong pikunin. Kaya kalma lang. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-18-29-33-40-45.



Comments