Horoscope | Hulyo 4, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 4, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 4, 2026 (Sabado): Marami ang yayaman dahil sa iyo. Kaya pinapayuhan ka ng iyong kapalaran na unahin mong paunlarin ang sarili mong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maguluhan dahil lamang sa kinokontra ka ng ilan. Gawin mo lang ang gusto mo, dahil hindi maganda kung nakadepende ka sa opinyon ng ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-13-27-31-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maglinis ka ng bahay. Magugulat ka, dahil kasabay ng paglilinis nito ay tila lilinis din ang iyong kapalaran. Ang mga negatibong nangyayari ngayon ay magiging positibo na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-21-25-37-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Magkunwari kang wala kang interes sa mga gusto mo. Sa ganitong paraan, mawawala ang mga kontrabida sa buhay mo, at dahil pagkukunwari lamang naman ito, malaya mo nang magagawa ang gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-22-24-38-45.
CANCER (June 21-July 22) - Disiplina sa sarili ang kailangan mo. Ito rin ang susi sa tagumpay. Ang iyong mga kalabisan ay alisin mo na upang magsimula na ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-26-32-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Harapin mo ang mga araw na ito nang may positibong pananaw. Sabihin mo sa sarili mo na kailangan ang gabi upang magkaroon ng bagong araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-16-20-28-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag may nalagas na dahon sa sanga, ibig sabihin ay may darating na bagong usbong. Ipinahihiwatig din nito na huwag kang malungkot. Sa halip, maging masaya ka kapag may nawala sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-23-30-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong damit kahit na nasa bahay ka lang. Ang iyong pampasuwerte sa ngayon ay ang paborito mong kasuotan. Kaya hindi ipinapayo ngayon na bumili ng bago. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-11-13-21-26-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin mo ang puwesto mo, kung saan ka may negosyo. Ang mga wala sa lugar ay ilagay mo sa tamang lugar, habang ang mga gamit na hindi na kailangan ay itapon o ipamigay mo sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-23-28-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakinggan mo ang mga payo ng mga nasa paligid mo. Maniwala ka man o hindi, mas maganda ang pananaw nila kaysa sa sarili mong pananaw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-20-24-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makipagbati ka na sa taong nakaalitan mo na hindi naman gumagawa ng masama laban sa iyo. Kapag nagkaayos na kayo, kapwa kayo bubuwenasin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-16-25-30-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka! Sa iyong pagpaparaya ay makakatanggap ka ng malalaking suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-7-12-29-31-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo ng kapalaran. Magkakapera ka ng malaking halaga, ngunit hindi mo ito dapat gastusin, bagkus mag-ipon ka. Kapag nag-ipon ka, kusa nang darami ang iyong pera hanggang sa tuluyan kang yumaman. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-15-26-32-36-44.



Comments