top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Hulyo 4, 2024 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 4, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 4, 2024 (Huwebes): Hahadlangan ka ng mga kontrabida sa buhay mo dahil masasagap nila na maiiwanan mo sila.  


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano’ng gusto mo, ‘yun ang ipatupad mo, kung may umaangal, lihim mo itong gawin sa paraang hindi nila alam. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-16-21-27-30-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano lang ang nasa sa harapan mo, ‘yun muna ang pagtiisan mo. Gayunman, ipagpatuloy mo pa rin ang iyong pinapangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-19-25-29-38.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka para wala kang masagasaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-21-27-33-39.

 

CANCER (June 21-July 22) - Manahimik ka ‘pag nasaktan ka. Hindi na dapat maulit ang nakaraan na kung saan para kang bahang rumaragasa at mapaminsala sa sobrang init ng iyong ulo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-28-34-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang magtanong, ang masama ay ang magdunung-dunungan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-23-36-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Panoorin mo ang mga taong hindi magkaunawaan. Marami kang aral sa buhay na matututunan sa kanila na puwede mo ring gamitin sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-21-27-32-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tumaya ka, dahil tiyak na mananalo ka. Ang buhay sa mundo ay isang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-18-26-33-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanap ka ng ibang paraan upang solusyunan ang kakulangan ng iyong mga produkto. Huwag kang mamihasa sa mga lumang tradisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-19-28-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumaba ka para ‘di ka bumagsak. Ito ang simpleng paraan kung paano mas gaganda ang kalagayan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-6-9-18-21-27.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang matakot. Mas malakas at matibay ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-17-25-34-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umagwat ka sa kinaiinisan mo. Lumalayo ang tao sa mga halamang nagbibigay ng kati sa balat. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-8-22-28-33-38.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong harapin nang mukhaan ang iyong mga kaaway. Magkunwari kang mahina dahil sa ganitong paraan ka mananalo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-7-17-26-35-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page