Horoscope | Hulyo 4, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 4, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 4, 2022 (Lunes): Patuloy kang susubaybayan ng langit at bibigyan ng proteksyon laban sa mga naghahangad na ikaw ay bumagsak at mabigo. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasaan ang iyong suwerte ngayon? Maaaring hindi ka maniwala na ang suwerte mo ay magmumula sa mga umaaway sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-29-30-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi natitinag na pangarap ang susi ng iyong tagumpay. Anuman ang pagsubok na iyong makaharap, ang payo ay huwag na huwag kang magbabago ng pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-15-16-18-24-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Makislap na kulay ang iyong pampabuwenas. Huwag kang gumamit ng mga luma at kupas na bagay nang sa gayun ay lumapit nang kusa sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-17-25-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Magpakita ka ng kabaitan sa iyong kapwa, maging sa mga madalas mandaya sa iyo. Sa ganitong paraan, ang mga biyaya mula sa langit ay ihuhulog sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-21-23-30-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magyabang kahit may ipagyayabang ka. Ang magagandang kapalaran ay para sa mga mapagpakumbaba at hindi mapagmataas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-17-25-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa malapit lang ang iyong suwerte, kaya hindi nagtatagumpay ang iyong plano na hanapin ito sa malayo. Dahil nasa malapit lang ang iyong suwerte, sunud-sunod ang dating sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-15-17-23-25.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makukuha mo ang pinakamaganda sa iyong buhay kapag tinimbang mo ang mga katangian ng mga nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-15-22-25-28-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsisimula muli ang mga araw kung kailan puwede kang kumita ng maganda. Matutuklasan mo rin na ang pamamahinga ay nakabubuti sa kapalaran ng tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-21-25-28-30-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bubusugin ka ng kapalaran ng magagandang bagay. Ang hindi mo naman talaga kailangan ay puwede mong ibigay sa malalapit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-22-25-29-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kikilos nang kusa ang iyong kapalaran para gumanda ang iyong buhay. Ikaw ay natagpuang kulang sa lakas ng loob at ‘di mo magawa ang mga unang hakbang sa tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-8-11-17-20-21.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sino ang masuwerte ngayon? Siyempre, ikaw at sino naman ang papangit ang kapalaran? Walang iba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-24-26-33-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadapo sa iyo ang mga suwerte sa sandaling inaakala mo na wala kang kakampi. At dahil patuloy kang bubuwenasin, muling dadami ang didikit sa iyo na hindi mo naman kapalagayan ng loob. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-29-35-38.




Comments