top of page

Horoscope | Hulyo 31, 2024 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 31, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 31, 2024 (Miyerkules): Isinilang ka para mamuno. Ibig sabihin, hindi ka isinilang upang maging sunud-sunuran. Ito ang dahilan kung bakit lagi kang may kasamang alalay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dapat ikaw ang magsasabi kung ano ang dapat gawin. Dahil ikaw ngayon ang magsisilbing gabay na magdadala ng kaginhawaan sa buhay para sa mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-19-23-27-34.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang araw na papaboran ka ng nakakataas. Magsabi ka kung ano ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-17-24-33-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Itaas mo ang antas ng layunin mo sa buhay, nang sa gayun bumalik sa iyo ang sigla at kalakasan nila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-23-32-39-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong alipin ang mga taong may pagtingin sa iyo. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-07-11-20-29-37.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mawawala sa iyo ang mga taong may masamang motibo sa iyo. Hindi niya kakayanin ang lakas mo at masisilaw siya sa kalinisan ng puso mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-18-24-28-36.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sa iyo manggagaling ang talino at husay ng namumuno sa maraming mga tao. Ang mga salita mo ay susundin nila tulad ng pagsunod mo sa agos ng ilog na ang dulo ay kasaganahan sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-21-29-33-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang pagkakataon mo na makakilala ng taong tutulong sa iyo upang mabigyan ka ng masarap na buhay. Ibahagi mo sa mga nangangailangan o mahal mo sa buhay ang mga biyaya at pagpapala na natatanggap mo mula sa langit.  

Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-24-27-39-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mahawa sa mga taong nakapaligid sa iyo na hindi nangangarap. Sa huli, masusumpungan nila ang kanilang mga sarili na nagsisisi. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-11-29-38-40-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo sa kapwa ang mga biyayang mapapasaiyo. Magpapatuloy ang pagganda ng kapalaran mo kahit nakakaranas ka ng panandaliang paghinto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-18-21-27-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag puno na, maaari itong umapaw, at ang hindi pa puno ay maaari pang lagyan. Kapag tutulungan mo ang mga nangangilangan, kargahin mo rin ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-23-28-31-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumingin ka sa mga tao na kaya kang tulungan sa iyong mga pangarap. Hindi mo dapat isara ang mga mata mo sa mundo na walang pag-unlad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-17-27-34-39.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nagdala sa iyo sa magandang kapalaran, ito ang isabuhay mo. ‘Wag ka na sumubok pa ng mga bagong ideya, bagkus patuloy mong paunlarin ang mga magagandang kapalaran na iyong natatamo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-11-23-39-40-45.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page