Horoscope | Hulyo 31, 2023 (Lunes)
- BULGAR
- Jul 31, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 31, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 31, 2023 (Lunes): Maglakbay ka hanggat gusto mo. Sa paglalakbay mo makakaharap ang mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alinlangan sa bagong pormula ng tagumpay na balak mong subukan. Isagawa mo agad ito nang sa gayun ay maiwanan mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-20-24-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magbabago, ituloy mo ang iyong kasalukuyang ginagawa. Habang kumikilos ka papalapit din nang papalapit ang pagkamit mo sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-21-24-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Sarili mo mismo ang iyong kalaban. Kapag napansin mong tinatalo ka ng iyong mga kahinaan at kapintasan, gumagawa ka ng paraan para mabago mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-20-24-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Darating ang mga suwerte mo. Kailangan mong ihanda ang iyong sarili. Isabuhay mo ang pagpapahalaga sa iyong mga kabuhayan ng hindi masayang ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-17-25-27-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon na ang magandang pagkakataon para ang iyong mga kapintasan ay mapalitan ng mga magagandang katangian. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-24-39-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang nababawasan ang lakas ng iyong loob, kaya ang payo sa iyo ay makipagkuwentuhan ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-16-27-24-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ituloy mo ang pagiging mapag-obserba upang ‘di makalagpas sa iyo ang mga suwerteng mabilis na lumalagay sa harapan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-20-21-27-28.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magsaya. Sa katunayan, nakakatulong ito para manumbalik ang iyong sigla. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-17-20-28-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong isiping umaatras ang iyong mga suwerte. Atras-abante ito pero ‘pag iyong pinag-aralan ay makikita mong malaki na ang iyong inangat. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-18-23-33-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang kapalaran mo sa ngayon, mula sa mga pagkilos ng mga lantad at lihim na kaaway mo, rito manggagaling mismo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-29-30-31-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Ipagdiwang at pasayahin mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-14-16-29-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na walang katulong dahil mas maganda kung nag-iisa ka lang. Ang may katulong ay lalo lang nagpapatagal at hadlang pa sa iyong kalayaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-27-32-34-45.




Comments