top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hulyo 30, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 30, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 30, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 30, 2023 (Linggo): Hindi ka puwede sa mabababang puwesto, dahil ikaw ay para sa pagmumuno. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Totoong may ipagyayabang ka dahil marami ng hamon ang iyong nalagpasan. Magkagayunman ang pagpapakumbaba ang tunay mong susi sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-29-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aksyon ang kailangan mo ngayon, hindi drama at pagiging maarte. Kapag kumilos ka nang kumilos, tiyak na ang mga kagustuhan mo sa buhay ay iyong mapapasakamay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-24-28-36-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ikaw ang susundin ng nakakataas sa iyo. Ang mga nasa ibaba mo naman at ang iyong kapantay ay walang magagawa kundi mainggit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-28-31-34-44.

CANCER (June 21-July 22) - Makipagsabayan ka! Tatalunin mo ang sasabay sa iyo na sa bandang huli ay iiwan mo sila at malabong abutan ka pa nila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-26-32-36-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa mga isip-talangka. Ibabagsak ka nila kahit sila man ay masaktan at bumagsak din. Huwag mong pairalin ang iyong damdamin kahit sila’y malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-37-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humingi ka ng payo sa mga kilala mong nagtatagumpay sa buhay. Ang pakikinig sa kanila ay malaking bagay upang matulad ka rin sa kanila na may maunlad na buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-12-24-30-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na may pinapagawa sa iyo ang langit upang maging maligaya ka. Alam mo kung ano? Simple lang, maligo ka lang, magpabango, magpahaba ng buhok at magpaganda. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-22-24-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang para sa iyo na pansamantalang napunta sa iba. Ito ang ipinapagawa ng langit sa iyo ngayon! Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-11-17-20-25-31-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Angat na angat ka ngayon at sa mga araw pang darating. Walang magagawa ang mga kontrabida sa buhay mo kundi tingalain at lihim kang hangaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-21-25-27-30.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang gawin ngayon, ang buhay mo ay aasenso. Ito ang premyo mo sa mga nagdaang kabutihang ipinakita mo sa kapwa lalo na sa iyong mga kamag-anak. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-15-20-21-29-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang inggit na inggit sa iyo. Ang hindi nila alam, madami ka ring kalungkutan itinatago. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-16-20-26-33-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) -Malaking papel ang gagampanan mo. Ikaw ang susi at ikaw rin ang pintuan na magbubukas ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-12-14-30-38.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page