Horoscope | Hulyo 3, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 21 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 3, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 3, 2026 (Biyernes): Hindi magbabago ang pag-angat ng iyong kapalaran kahit pa may mga pagkakataong parang hindi umuusad ang iyong buhay, dahil langit mismo ang nagdidikta nito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda ka. Ang pagdating ng mga bagong panahon sa buhay ng tao ay dapat na pinaghahandaan. Ito ay tulad ng pagpi-fiesta ng mga tao kapag magpapalit ang takdang panahon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-18-23-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng langit kapag ang kahilingan mo ay para sa pagpapaunlad ng buhay. Ang iba pang kahilingan na walang kinalaman sa kabuhayan ay malabong pagbigyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-15-20-26-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong pananaw na naririnig mo. Ituloy mo lang ang mga plano mo. Makaaasa ka na ang bendisyon ng langit ay ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-21-34-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Napansin mo ba na ang mga angat sa buhay ay masaya, pero karamihan sa kanila ay nagkukuripot at nagkukunwaring walang pera? Iba ka sa kanila. Ang mabuting balita ay nagsasabing yayaman ka rin, pero mas magiging mabait at mas magiging galante ka kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-16-25-31-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Wala kang maaasahang tulong sa kapwa, dahil ikaw mismo ang tutulong sa kanila. Ito ang papel mo sa mundo, kaya gampanan mo itong mabuti. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-21-26-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makibahagi ka sa mga proyektong magpapaangat sa kalagayan ng mga nasa ibaba. Ang mata ng langit ay nakasubaybay sa mga taong nagmamahal sa mga walang-wala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-20-33-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - May mga bagay na kailangang itapon na, at kapag nagawa mo ito, biglang magbabago ang takbo ng iyong mundo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-22-32-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilabas mo ang lumang gamit na puwede pang gamitin, dahil ito ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-15-23-29-34-43.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang iyong malalaking kahilingan. Makaaasa ka na kahit may pagkaimposible at mahirap mangyari ang mga ito, gagawan pa rin ito ng paraan ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-25-27-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Angat na angat ka ngayon. Ito ang masayang balita para sa iyo, pero para sa mga inggit na inggit sa iyo, hindi ito maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-22-28-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatanggap ka ngayon ng regalo. Itago mo ito dahil ito mismo ang magiging pampasuwerte mo. Kapag napansin mong parang hindi maganda ang mga araw para sa iyo, gamitin mo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-18-26-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malaki at mas marami ang mapasaiyo, ang mga bagay na nasa loob ng inyong bahay na hindi mo na ginagamit ay ipamigay mo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-7-15-19-24-38.



Comments