top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 3, 2022 (Linggo)

BULGAR
Jul 3, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 3, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 3, 2022 (Linggo): Kusa kang iaangat ng kapalaran mo sa mas matataas na kalagayan. Tiyak ang magaganap na ikaw ay mamamahala at hahawak ng malalaking kumpanya at maraming tao.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka manghihinayang sa mga pagsisikap mo dahil mismong langit ang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Hindi ka matutulad sa iba na nagsikap pero wala ring napala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-24-39-41-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ididikit ka ng langit sa mga taong may maitutulong sa iyo — sila na puwede mong pakinabangan at handang umalalay sa iyo hanggang matupad mo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-20-23-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nagbabago, ikaw pa rin ay papunta sa itaas. Milya-milya ang agwat mo sa iyong mga kasabayan at titingalain ka nila nang may paghanga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-12-28-30-31.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka tatanggihan ng iyong lalapitan na isang mas mataas ang ranggo sa buhay mo. Subukan mo at magugulat ka dahil ang hula ay nagkakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-28-37-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-utos ka at ikaw ay masusunod. Dahil ang hindi sumunod ay makakaranas ng pangit na kapalaran. Mahirap paniwalaan, pero ito ang mangyayari. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-22-25-34-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pagkakataon para umabante nang todo ang buhay mo. Kumilos ka at ang mga pagkilos mo ay papabor sa mga gusto mong mangyari. Ang pagkilos mo ay dapat ngayon na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-26-39-41-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka makakatanggi sa lalapit sa iyo. Mahina ka ngayon sa isyu ng pagtulong sa kapwa, pero malakas ka sa pag-akit sa mga naghahanap ng inspirasyon sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-21-27-31-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang mayabang, siya ang iyong mapapakinabangan. Kaya huwag mo silang layuan, sa halip ay iyong dikitan. Gawin mo at tiyak na matutuwa ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-24-25-35-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay buwenas. Huwag mong sayangin ang pagkakataon kung kailan madali mong magagawa ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-22-27-31-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umasta ka na nakuha at naabot mo na ang gusto mong mapasaiyo. Isa itong pormula ng matagumpay na buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-27-30-36-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang napakaraming pagkakataon na nagkaroon ka ng masarap na buhay. Magpasalamat at magpuri ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-25-36-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Taglay mo ngayon ang kakayahang masagap ang motibo ng iyong makakaharap. Sa ganitong paraan, makakaiwas ka sa mga magtatangkang mandaya sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-11-14-24-28-35-38.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page