top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 29, 2022 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 29, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 29, 2022 (Biyernes): Pataas nang pataas ang antas ng iyong buhay. Huwag mong kaligtaan na dapat manatiling nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka para mas maraming tagumpay ang mapasakamay mo. Kung babagal-bagal ka, maraming oportunidad ang iyong panghihinayangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-18-20-23-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Patuloy ang pagdating ng mga suwerte sa buhay mo. Huwag kang magsasawa na mahalin ang iyong kapwa dahil ito mismo ang dahilan kaya ikaw ay may magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-24-28-37-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Pabilis nang pabilis ang galaw ng mga araw. Maiiwanan ang nag-aalinlangan, pero ang mga mabilis gumalaw, mas maraming suwerte ang madadagdag sa kanilang kaban-yaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-25-39-35-44.

CANCER (June 21-July 22) - Lumalakas ang kutob mo, kaya maaga mong makukutuban ang motibo ng isang tao. Agad kang lumayo sa may masasamang layunin sa iyo kahit ang ipinapakita nila ay kabutihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-20-24-30-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maghangad ka. Hindi puwede na susunod ka sa sinasabing bawal ang maghangad. Kapag hindi ka naghangad, malalagay sa alanganin ay ang iyong hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-19-26-28-30-37-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sakyan mo ang agos ng buhay. Sa panahong nagsasaya ang lahat, magsaya ka rin. Sa araw na ito, muling nagiging seryoso ang mga tao, kaya maging seryoso ka rin sa iyong pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-22-26-31-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talasan mo ang iyong pakiramdam. Ayawan mo rin ang may ayaw sa iyo. Maling-mali na manatili ka sa nagpapakita ng maganda sa mga taong ayaw naman sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-15-16-20-21-25.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo ang proyektong inaalok sa iyo na puwedeng magpaunlad ng iyong buhay. Maliit man ito, malaki ang tsansa na mapalago mo dahil sa talinong taglay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-18-24-28-30-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong palitan o baguhin ang iyong pangarap. Kahit makaranas ka ng hindi magagandang pangyayari, sa huli, kung ano ang ginusto mo ay ‘yun din ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-27-29-37-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Kapag pinahalagahan mo sila, maaaring matulad ka sa kanila na pawang negatibo ang iniisip sa kapwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-12-26-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong yakapin ang iyong galit dahil puwede kang magkasakit. Dapat kang mabuhay sa pag-ibig dahil ito ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-21-25-28-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung may naisip kang magandang pormula ng pagpapayaman, sarilihin mo na lang upang hindi maulit na isinabuhay ng iba ang iyong ideya at sila ang nakinabang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-22-23-36-41.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page