top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 26, 2022 (Martes)

BULGAR
Jul 26, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 26, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 26, 2022 (Martes): Aanihin mo ang matatamis na bunga ng iyong mga pinagsikapan. Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong mapipitas. Ito ay ginagaratiyahan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo na desidido ka at ang langit ay gagawa ng paraan para mabilis na mapasaiyo ang mga gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-29-30-33-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang tumanggi sa inaalok na tulong sa iyo. Samantalahin mo ang pagkakataon nang masimulan ang matagal mo nang binabalak na negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-21-24-28-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong akalain na huminto ang pagdating ng magagandang kapalaran sa iyo. Ang totoo ay kumukuha lamang ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-18-23-25-26-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Sakyan mo lang ang mga nangyayari sa iyong harapan. Sa huli, makikita mo na pabor ang mga pangyayari sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-24-29-35-41-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Aalalayan ka ng langit ngayon dahil nakita na mahina ka laban sa mga hamon ng iyong kapalaran. Dahil dito, palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-22-29-35-39-51.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pansamantala kang masisingitan ng iyong karibal, pero sa huli, siya at ang iba ay maiiwanan mo nang milya-milya. Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-14-16-26-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lalayuan ka ng ilang tukso dahil tanggap nilang hindi ka nila kaya. Pero ang ilan sa paligid mo na sa biglang tingin ay mas malakas kaysa sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-20-29-35-36-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit gaano kalakas ang unos, ito ay natatapos din. Ang mahalaga ay manatili kang matatag at may positibong pananaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-23-24-36-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kikilos nang palihim ang mga inggit sa iyo, pero sa hindi inaasahang pangyayari, ikaw pa ang makikinabang sa kanilang mga hangal at maling pagkilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-15-27-28-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan, kaya huwag mo nang pakahabaan pa. Bagkus, gawin mong simple at direkta ang iyong paghiling upang mas madaling matupad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-22-27-40-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dadalawin ka ng iyong suwerte ngayon. Sa kanyang pagdalaw, magbabago ang mundo mo na papaganda kaysa sa kasalukuyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-21-23-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang wala ka, ‘yung ang dapat mong pangarapin. Sa ganitong paraan, ang buhay mo ay gaganda nang gaganda hanggang sa ganap na makumpleto ang iyong ligaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-22-24-36-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page