top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | Hulyo 25, 2026 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 25, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 25, 2026 (Sabado): Paminsan-minsan, kailangan mong pumunta sa malalayong lugar dahil du’n manunumbalik ang sigla ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbawas ka ng mga pabigat sa iyong buhay. Hindi lang mga tao kundi maging ang mga aktibidad na nahihirapan kang ituloy. Sa ganitong paraan, gagaan ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-20-25-34-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapatangay sa iyong damdamin. Isip ang iyong paganahin. Ang nakikinig sa isip ay hindi naliligaw ng landas, lalo na sa mga pagkakataong nagtatalo ang isip at damdamin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-18-22-27-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang diskarte mo, dahil hindi mo kailangan ng bagong ideya o pagpapalit ng formula. Muli, ituloy mo lang ang nasimulan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-13-21-26-33.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pairalin ang pagdadalawang-isip at hina ng loob. Kapag nagpakita ka ng tapang, may malaking suwerteng ipagkakaloob sa iyo ang langit na ngayon mo pa lamang mararanasan sa buong buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-27-30-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Katahimikan ang kailangan mo, lalo na sa iyong isipan. Kaya lumayo sa mga nagpapasakit ng ulo mo. Iyan ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-20-29-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labas-masok sa isipan mo ang magagandang ideya. Huwag mong ipagdamot ang mga ito. Ibahagi mo sa mga taong makikinabang ang iyong kakaibang formula ng tagumpay. Sa pagbabahagi ng iyong karunungan, susuwertehin at pagpapalain ka ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-16-22-28-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ang kapalaran ng iba. Nakakagulat ang ganitong oportunidad dahil ipinapakita nitong malaki ang magiging impluwensiya mo sa ibang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-17-19-32-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ayaw makita ng iba na masaya ka. Kaya lalo kang magsaya upang sila ang malungkot, at huwag kang magpapaapekto sa masasama nilang hangarin laban sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-18-20-27-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papasok sa isip mo ang isang kakaibang susi ng tagumpay na magdadala sa iyo sa pag-unlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-26-35-40-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumarami ang gustong umabuso sa iyo dahil sa iyong kakaibang kabaitan. Mag-ingat ka, at ang mas mabuti ay iwasan mo ang mga taong minsan nang nandaya sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-20-24-31-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mapapaniwala. Ano ang solusyon? Lumayo sa mga madaldal at mahilig magkuwento, lalo na sa mga taong napakagaling magsalita at magpasaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-10-12-28-33-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang takdang araw. Bukas ngayon ang tainga ng langit at hinihintay na Niya ang iyong kahilingan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-21-27-38-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page