Horoscope | Hulyo 25, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 25, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 25, 2022 (Lunes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang malalaki mong pangarap ay mapasasaiyo. Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil bukod sa mga ito, pati ang maliliit mong kagustuhan ay ibibigay pa rin ng langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mabibigo kung gagamitin mo ang talas ng iyong isip. Ang talino at mga kaalaman ay nakuha mo sa iyong mga karanasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-24-29-30-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbabalik ang mga araw na tatalunin ng pangarap ang mga negatibong pangyayari na nasa harap mo. Mauunawaan mong pansamantala lang ang hindi pag-usad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-25-31-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi kailangang aprubahan ng mga nasa paligid mo ang mga gusto mong gawin. Ituloy mo ang matagal mo nang gustong gawin dahil ang katuparan nito ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-20-32-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang makisali sa gulo ng iba. Mas mabuti na manahimik ka lang. Kusang maaayos ang lahat at ang mga hindi magkaintindihan ay magkakaunawaan din. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-10-15-27-35-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang pagkakataon upang ituloy mo ang mga naantalang pagkilos na magpapaunlad sa buhay mo. Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-28-33-40-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong piliting maniwala ang walang tiwala sa iyo. Kapag nakita nilang maganda ang takbo ng mga proyekto mo, silang lahat ay makikiisa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-19-23-37-41-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagkalat ang mga mapagkunwari ngayon. May ilan na iimpluwensyahan ka, ngunit hindi mo agad mahahalata at maliligaw ka. Ito ang mensahe sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-15-29-30-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nasabi mo, dapat ‘yun na. Kumbaga, huwag mong babaguhin dahil kapag pabago-bago ng isip at pasya, marami ang hindi maniniwala sa iyo. Ito ang dapat mong tandaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-27-35-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpapatuloy ang mga pagbabago sa harapan mo. Gayunman, sa huli, ang pagbabago ay para sa iyong kapakinabangan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-28-36-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pilitin na alamin ang isang lihim. Mas mabuting hintayin mo dahil ang gusto mong malaman ay kusang mabubunyag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-23-38-40-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo na kusang tumakbo ang mga pangyayari. Ipanatag mo ang iyong sarili dahil walang epekto sa iyo ang mga pangyayari. Sa halip, itinabi na ng nasa itaas ang suwerteng noon pa nakalaan sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-29-31-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magiging bahagi ka ng pagbabago ng isang naalipin ng maling pananaw. Kung hindi dahil sa iyo, ang pagbabago niya ay hindi magkakaroon ng katuparan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-23-33-37-40.




Comments