Horoscope | Hulyo 24, 2024 (Miyerkules)
- BULGAR

- Jul 24, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 24, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 24, 2024 (Miyerkules): Piliin mo kung ano ang maganda para sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ngayon ang araw para pahirapan mo ang iyong sarili. Ikonsidera mo ang pamamahinga, at bigyan mo rin ng oras ang iyong sarili upang hindi ka magsisi sa huli. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-23-26-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng langit. Magtiwala at humiling ka lang ng mga bagay na maaaring makatulong sa iyo. Huwag kang magtiwala sa mga taong nagsasabi na tanggapin na lang kung ano ang nand’yan, dahil sila ang mga uri ng tao na kahit ano lang ang ibigay ng langit ay hindi umaangal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-18-21-34-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang mga hindi mo natapos na gawain. Huwag kang gumaya sa mga taong walang paninindigan at tiwala sa sarili, dahil sa pabagu-bago nilang desisyon sa buhay, wala silang natatapos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-21-28-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magdalawang isip na humingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa iyo na alam mong makakatulong at hindi ka pababayaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-7-16-20-25-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong nagpapakita lang ng maganda kapag nakakagawa sila ng pagkakamali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-8-10-17-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga taong magaling lang kapag sila’y nangangailangan. Masuwerteng kulay-grey. Tips sa lotto-5-11-22-31-40-44
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi magandang pagsabay-sabayin ang mga gawain. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-18-21-24-27.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakabilib ang iyong taktika sa paggawa. Kahit mahirap ang mga gawain, kaya mo pa rin itong tapusin. Hindi mo kailangan ng alalay mula sa iba, dahil magtatagal lang ang paggawa at hindi magiging maayos ang resulta nito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-23-29-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Haluan mo ng saya ang bawat ginagawa mo. Ang pagiging seryoso ay nagreresulta lang ng pagkapagod. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-18-21-24-27.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka masaya, roon ka. ‘Wag mong pahalagahan ang iyong kinikita, dahil walang katumbas na halaga ang makaranas ng wagas na kasiyahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-25-29-31-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga taong walang ginawa kundi pintasan ang kanyang kapwa. Isipin mong mabuti na maaari ka rin niyang pintasan, kapag hindi ka niya kaharap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-22-26-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hamunin mo ang iyong sarili na kayanin ang mga pagsubok, at huwag kang matakot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-16-28-33-40.






Comments