top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

Horoscope | Setyembre 11, 2026 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
7 minutes ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 11, 2026 (Biyernes): Gamitin mo para sa sarili mo ang magagandang katangian mo. Sa ganitong paraan, mas madali kang yayaman at liligaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mabalisa sa mga problema, bagkus ituloy mo lang ang mga binabalak mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-17-23-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpatulong ka sa malapit mong kaibigan, hindi sa materyal na bagay, kundi kung paano bibilis ang pag-unlad ng iyong buhay. Hindi maganda kung inaakala mong kaya mo ang lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-24-35-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Muling kikislap ang iyong galing sa pagsasalita. Gayunman, gamitin mo ito para magkapera at yumaman ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-19-26-38-45.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang malilito! Kaya lang naman nalilito ang tao ay dahil sa mga kagustuhan nila. Kaya piliin mo lang kung ano ang kaya mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-21-25-33-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang kailangan mo, iyon lang ang kunin mo. Isang kalabisan ang kumuha ng higit sa kanyang kailangan. Sa ganitong paraan, ang buhay mo ay magiging payapa at malayo sa gulo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-22-28-31-42


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makihalo sa gulo. Mas maganda ang tahimik na buhay. Kapag tahimik ang buhay, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-27-34-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pasayahin mo ang kapwa mo kahit kapos ka rin. Mahirap man itong gawin, pero ito naman ang daan upang dumagsa ang mga biyaya at magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-18-20-32-38-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka para sumaya ka. Ito ang simpleng pormula ng masayang buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-26-31-36-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang susi kung paano gaganda ang iyong buhay. Dagdagan mo ang bawat ginagawa mo. Kung isang basong tubig ang iniinom mo, gawin mong dalawa; kung dalawa, gawin mong tatlo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-21-25-35-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gayahin mo ang karpintero na todo-sukat sa mga ginagawa nila upang malaman mo ang limitasyon, at para mas madali kang uunlad at aasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-15-27-29-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Likas sa iyo ang pagiging isang rebelde. Tulad ngayon, iiral na naman ang iyong nasabing katangian dahil makikita ang pagkabagot na unti-unting naghahari sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-18-20-31-38-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat ng tao ay may karapatang magdagdag ng kaalaman. Kaya huwag kang mahihiyang magtanong sa mga taong alam mong marami nang alam. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-17-24-34-39.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page