Horoscope | Hulyo 24, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 24, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 24, 2022 (Linggo): Si Venus ang isa sa naghahari sa iyong kapalaran, kaya kahit magkamali ka o pumangit ang buhay mo, siya ay kikilos at gaganda ang kapalaran mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makinig sa payo na hindi mabuting tumingin sa magaganda. Sa araw na ito, todong inspirasyon ang kailangan mo upang lumakas pa ang sigla mo at sunod-sunod na suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-27-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibinalik ng langit ang masusuwerteng araw mo dahil nakitang sa nakaraang pagdating ng mga suwerte ay hindi nalubos ang iyong kasiyahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-15-20-21-25.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran at ikaw. Magkakamali ka, pero ang magiging resulta ay para hindi ka magkamali muli. Kumbaga, ang mali ay magbubunga ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-22-24-25-34-38.
CANCER (June 21-July 22) - Litaw na litaw ngayon ang kakaibang ganda ng iyong personalidad. Isang ganda na hindi lang mga tao ang maaakit mo kundi maging ang mga suwerteng nasa iyong paligid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-17-26-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag sinuwerte ka, iwasan mong mahalata ng iba. Kapag nanahimik ka, mas malalaking suwerte pa ang darating sa buhay mo sa araw na ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-24-26-34-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sisilipin ka ngayon ng malaking suwerte. Kapag ikaw ay nakitang hindi palakontra, dadapo sa iyo ang suwerte at mabubuhay ka sa kasaganaan sa loob ng mahabang panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-21-28-30-31-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Gusto mo bang pakinabangan ang hawak mong kapalaran? Kumilos ka ayon sa pangarap mo at maaabot mo ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-24-26-37-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hati ang atensyon mo ngayon. Ang isa ay nakatutok sa kabuhayan at ang isa pa ay sa kaligayahan. Mahirap mang tanggapin, ang payo ay nagsasabing piliin mo ang una. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-22-23-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalik ang mga tukso sa buhay mo. Noon, ikaw ay nanalo na, kumbaga, tinalo mo na dati ang mga tukso. Sa panahon namang ito, kailangan mong mas maging matibay dahil lumakas sila. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-7-12-23-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ganda ang regalo sa iyo ng langit, kaya ngayon, gaganda ang kapalaran mo. Ang mga naghahangad na pumangit ang buhay mo ang makakaranas ng pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-23-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi na kailangan ang mahabang salita para makuha ang gusto mo. Makita ka lang ay sapat na. Ang kakaibang sikreto ng kapalaran mo ay madalas mong nararanasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-20-24-37-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pansinin mo ang mga paa ng tao na sa harap ang direksyon. Hindi maganda para sa iyo na balikan pa ang nakaraan. Ihakbang mo pasulong ang iyong mga paa at gaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-17-25-35-41.




Comments