top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Hulyo 23, 2024 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 23, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 23, 2024 (Martes): Matalas ang iyong isip, kaya naman mabilis kang magpasya. Maiiwanan mo ngayon ang iyong mga karibal. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang nasa harap mo, iyon ang tutukan mo. Ito ang sikreto upang lumuwag at guminhawa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-23-25-39-40-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang itatama ng panahon ang iyong pagkakamali. Ang mahalaga ay mag-isip ka kung paano mo mas mapapaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-26-28-30-34.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kung para sa iyo ang isang bagay, kahit ano’ng gawin mo mapupunta pa rin ito sa iyo. Ang mga taong mangangahas na agawan ka ay mapapahiya lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-23-31-36-40-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Bilisan mo ang pagpapasya. Hindi mo kailangan ngayon ang matagalang pag-aaral para sa mga simpleng bagay. Muli, bilisan mo ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-7-22-32-38-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Maaakit ka ngayon sa mga taong masayahin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-19-27-34-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makinig ka sa babala, mas magandang mag-ingat kaysa magsisi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-22-28-31-32-39.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung tutulong ka, ‘yung kaya lang ng kakayahan mo. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-29-21-25-34-36.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Inihahanda na ng langit ang malaking regalo para sa iyo, dahil sa pagpapakita mo ng tapang sa harap ng mga pagsubok sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-28-35-37-40-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi aabutin ng mapaminsalang baha ang bahay na nakatayo sa mataas na lupa. Ibig sabihin, kung mataas ang pangarap mo, mas maganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-20-21-25-29-34.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kambal na panalo ang mapapasaiyo. Huwag mong kalimutan at sayangin ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-26-36-39-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Liligaya ka ngayon dahil mapapasakamay mo na ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-26-32-38-40-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - May mabibisto ka pa ngayon na isang lihim. Panatilihin mo itong lihim upang ‘di lumala ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-14-18-29-33-36-46.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page