Horoscope | Hulyo 23, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 23, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 23, 2023 (Linggo); Yayaman ka sa pagnenegosyo. Ito ang nakasulat sa Aklat ng iyong Kapalaran, kaya magnegosyo ka na!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilisan mo ang pagkilos mo upang ‘di ka masingitan ng pag-aalinlangan. Ang pag-aalinlangan ay hadlang sa tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-14-29-31-38-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lagyan mo ng kislap ang buhay mo, magsaya at makipagkuwentuhan ka. Kapag makislap ang buhay ng tao, mas mabilis siyang umaasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-25-30-45.
GEMINI (May 21-June 20) – Ngayon magdadatingan ang mga suwerte mo, at ang iba ay maaaring makalagpas sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-17-24-25-34-43.
CANCER (June 21-July 22) - Lumayo ka sa mabibilis dahil maaaring mabiktima ka ng mga mandaraya at walang katotohanang mga salita. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-22-25-38-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangan ang malaking puhunan para makapagsimula. Ang dagat ay binubuo ng mga patak ng tubig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-23-30-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paramihin mo kung ano ang nasa sa iyo na. Sapat na ang mga ito para yumaman ka. Magsimula ka na ngayon! Masuwerteng kukay-yellow. Tips sa lotto-15-18-27-30-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang papayag na ikaw ay maaninuhan ng iyong kapwa, dahil grabe ngayon ang iyong magandang katangian. Ikaw ang dapat na umanino sa kanila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-16-20-21-23.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpapatulong sa mga taong tamad, dahil malaki ang tsansang tamarin ka rin. Ang katamaran ay tulad ng sakit na nakakahawa. Maghanap ka ng taong masipag at siya ang gawin mong alalay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-21-27-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang iyong sikreto, upang patuloy kang pagkatiwalaan ng mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-17-22-28-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis ang dating ng iyong mga suwerte, habang mawawalan ng panahon ang mga taong nagnanais na mabigo ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-19-20-22-32-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Para sa iyo ang panalo, maging ang huling halakhak ay para sa iyo. Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil hindi mangyayari ito kung ikaw lang mag-isa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-15-20-21-25-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sunggaban mo ang magandang pagkakataon, magugulat ka dahil may mga kasunod pa rito na mas magaganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-18-30-31.




Comments